GSIS maagang maglalabas ng pension; bayarin sa Marso waived muna | Bandera

GSIS maagang maglalabas ng pension; bayarin sa Marso waived muna

- March 22, 2020 - 08:58 PM

GOOD news sa mga pensyonado ng GSIS!

Tiniyak ni Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet ang publiko na maglalaan ito ng tulong sa mga miyembro nito at mga pensioner.

Ayon kay Ledesma, base na rin umano sa kahilingan ng Senate committee on health and demography na pinangungunahan ni Senador Bong Go, na bibigyan ng grace period ang lahat ng premium remittances at loan payments ang mga miyembro nito na dapat ay babayaran ngayong Marso.

“Una, nagbigay na po kami ng extension o ‘grace period’ sa lahat ng premium remittances at loan payments na dapat bayaran nitong Marso. Puwede po itong bayaran sa May 10 na walang karampatang penalty,” ani Macasaet.

Extended na rin ang mga housing loan payments at rental payment sa mga investment properties ngayong buwan. “Babayaran din po ito sa May 10 na walang penalty,” dagdag pa ni Macasaet,

“Para naman po sa mga pensyonado, maaga po nilang matatanggap ang mga pensyon nila ngayong Abril. Karaniwan po sa April 8 dumadating ang pensyon. But we will release it before April 8,” ayon pa sa opisyal.

“Doon naman po sa Emergency Loan, maglalabas po ang GSIS ng emergency loan para sa aming mga myembro at pensionado. Humihingi lang po kami ng konting panahon dahil inaayos namin yung aming systems para ma-activate ang nationwide implementation nito.”

Nag0-offer ng P20,000 emergency loan ang ahensiya sa mga active members nito at kanyang mga pensioners na meron lamang na interest rate na 6 percent na babayaran sa loob ng tatlong taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending