2 Pinoy nakatakdang bitayin sa America | Bandera

2 Pinoy nakatakdang bitayin sa America

- December 09, 2020 - 03:05 PM

Si Sonny Enraca (kaliwa) at Ralph Simon Jeremias, dalawang Pilipino na naghihintay ng araw na kanilang kamatayan sa America. (mycrimelibrary.com/Review Journal)

Dalawang Pilipino ang kabilang sa 124 na dayuhang nakatakdang bitayin sa America, ayon sa non-profit na Death Penalty Information Center (DPIC).

Mga Mehikano ang pinakamaraming bibitayin na may kabuuang bilang na  50, at sinundan ito ng Cuban at Vietnamese na kapwa may tig-walong bilang, batay sa ulat ng DPIC.

Sa iba pang panig ng Southeast Asia, apat mula sa Cambodia at dalawa mula sa Laos ang pinatawan ng capital punishment. Ang natitira naman ay mula sa iba pang bansa na may isa hanggang limang mamamayang nahatulan ng parusang kamatayan.

Kinilala sa DPIC website ang mga Pilipino na sina Sonny Enraca ng California at Ralph Simon Jeremias ng Nevada.

Ayon sa mga ulat sa media, nahatulan si Enraca ng kamatayan sa Riverside County noong Hulyo 23, 1999 dahil sa pamamaril at pagkapatay kay Dedrick Gobert, isang actor na higit na nakilala sa kanyang supporting role sa pelikulang “Boyz N the Hood.”

“Si Enraca, isang Pilipino na nanirahan sa Estados Unidos sa loob ng walong taon, ay kasapi ng Akrho Boyz Crazzy (ABC) gang, na kasamahan ng Bloods. Sa una’y itinanggi ni Enraca na sangkot siya sa pamamaril pero inamin din niya ito nang siya ay maaresto na,” ayon sa ulat ng mycrimelibrary.com.

Naganap ang pamamaril matapos umanong magtalo ang dalawa kaugnay sa isinasagawa nila na illegal drag race sa Mira Loma, California noong Nobyembre 1994.

Ang ikalawang Pilipino, si Ralph Simon Jeremias, ay nahatulan dahil sa “execution-style” na pamamaril kay Paul Stephens at Brian Hudson noong 2009, ayon sa Las Vegas Review Journal.

Ikinatwiran ni Jeremias na patay na ang mga biktima noong siya ay dumating sa apartment complex para bumili ng marijuana. Pero pinabulaanan ito ng dalawa niyang kaibigan na nagsabing  pumasok na mag-isa si Jeremias sa apartment at pinagbabaril ng maraming beses sina Stephens at Hudson.

Ayon sa DPIC, itinuturing na banyaga ang mga indibidwal na walang  U.S. citizenship, kabilang na ang mga turista at bumibisita lamang sa America, migrant workers na may temporary permit, resident aliens, undocumented aliens, asylum-seekers, at persons in transit.

Unti-unting tumatamlay ang suporta ng mamamayan sa US sa parusang kamatayan dahil na rin sa maraming kaso ng mga nagkamaling sentensiya, at sa paglobo ng bilang ng mga Black Americans na napapatawan ng capital punishment. Ito ang nagtulak sa ilang estado sa US para tuluyang ibasura ang death penalty.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lima ang pangunahing pamamaraan ng pagbitay sa America: pagbigti, pagkoryente,  gas chamber, firing squad, at lethal injection.

Mula sa ulat ng The FilAm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending