Ice, Liza 6 years nang mag-asawa: May plano kaming mag-Tagaytay para makapagromansa kaso…
MARAMI sanang planong gawin ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Dino para sa kanilang sixth wedding anniversary kahapon, Dec 8 — ngunit kahit isa rito ay walang natuloy.
Ayon sa award-winning OPM singer-songwriter, balak sana nilang magpunta sa Tagaytay para doon mag-celebrate pero biglang nagbago ang plano dahil sa hindi maiiwasang pangyayari.
Nag-post ang singer-actor sa Instagram ng sweet photo nila ni Film Development Council of The Philippines (FDCP) Chairperson Liza kasabay ng pagkukuwento kung bakit napurnada ang kanilang mga lakad.
“6 years na kami ni misis na mag-asawa!!!” ang simulang mensahe ni Ice sa kanyang caption.
Patuloy niya, “May plano kami na mag-Tagaytay yesterday ’til today para makapagromansa kaso kailangan namin mag-shoot.
“So nagpa-book siya today sa Shang BGC para maituloy ang date, kaso may napakaimportanteng meeting with Korean Film Council so we had to rebook. In short, ni isa sa mga plano namin walang natuloy,” paliwanag pa niya.
“What happened today sums up our life together. Napakarami naming plano na hindi pa natutuloy because something got in the way.
“From the smallest travel boo-boos to having a baby. Siguro, kung iba yan, nag-away na. That’s what I love about our relationship; kahit ano man ang dumating, naiiba man ang plano paminsan minsan, we go through it together.
“Situations change all the time kaya I’m just blessed na magkasama kami para harapin ang bawat pagbabago na dumarating nang bukas ang puso at isipan.
“We have learned to accept and actually find ways to enjoy and make the most out of all the changes that come our way. It takes a special person to do that… and I’m glad she’s my wife,” lahad pa ng mister ni Chair Liza.
Ang ending, sa bahay na lang sila nag-celebrate, “Ngayon, nasa labas siya para bumili ng steak. Ipagluluto niya daw ako. ‘Yun pa lang, bawing bawi na. Steak night ala Liza Diño-Seguerra, walang panama ang Tagaytay and Shang BGC diyan. Best date night ever!”
“Happy anniversary, my dearest wife. Ikaw lang… sapat na,” ang mensahe pa ni Ice sa kanyang misis.
Ikinasal ang celebrity couple sa Amerika noong December, 2014 kung saan pinapayagan ang same-sex marriage.
Muli silang ikinasal sa isang lugar sa Batangas na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.