Paulo walang arteng 'nag-frontal nudity' sa MMFF 2020 entry na 'Fan Girl' | Bandera

Paulo walang arteng ‘nag-frontal nudity’ sa MMFF 2020 entry na ‘Fan Girl’

Ervin Santiago - December 07, 2020 - 05:25 PM

WALANG hiya-hiyang nag-frontal nudity si Paulo Avelino sa pelikula niyang “Fan Girl” na isa sa mga official entry sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Inamin ng Kapamilya actor-producer na para sa kanya, hindi naman talaga kailangan ang nasabing eksena sa pelikula pero nang gawin na niya ito, nakita niya ang kahalagahan nito sa kabuuan ng kuwento.

“To be honest, para sa akin hindi naman talaga kailangan (frontal nudity) pero kung mapapanood niyo ‘yung eksena, mas nae-enhance niya ‘yung nangyayari.

“Kung ipaiintindi mo sa audience na nasa level 3 lang ito, kapag napanood nila, umaangat ‘yung gustong ibigay ng eksena para umabot sa level 10. Feeling ko nag-work naman,” paliwanag ni Paulo sa ginanap na virtual mediacon ng “Fan Girl” kanina kasama ang leading lady niyang si Charlie Dizon.

Kung may bagong hamon raw para sa kanya ang nasabing pelikula, ito ay ang pagganap bilang siya, “Actually ang pinaka-challenge kasi talaga ‘yung hindi ka umaarte. ‘Yung natural ka lang sa lahat ng ginagawa mo bilang ikaw with some added factors.

“Yun ang challenge, ‘yung paano maging mas organic sa pag-deliver ng lines,” aniya pa.

“Ako upon reading the script, I kind of figured it na. It’s my actual name. It made me think for a while but upon processing, in accepting projects kasi, I always look for something new.

“When I got the script, oo nga no, I haven’t played myself. Sino nga ba si Paulo Avelino? What’s the persona I’m letting people see? What’s my persona when I’m alone? I took it as a challenge as well,” paliwanag pa ni Paulo.

Natanong din ang binata kung hindi ba siya natatakot na maging nega ang image niya sa madlang pipol o ng mga kumpanyang nagtitiwala sa kanya kapag napanood nila ang movie?

“I am always grateful for the endorsements, at the end of the day, I am an actor. If the role requires this, I would do it.

“In this day and age, I would think that maybe people from brands would not see this in a bad way or a different way. Kasi at the end of the day, it’s still a role. I’m Paulo Avelino playing Paulo Avelino,” aniya pa.

Samantala, hindi naman nahirapan ang direktor ng “Fan Girl” na si Antoinette Jadaone na kumbinsihin si Paulo na maghubad sa nasabing MMFF entry.

 “Nandoon sa scrtipt ‘yun. Lahat ng nasa pelikula, nasa script siya. Nung tinanggap ni Pau, tinanggap niya ‘yung mga nandoon sa script,” paliwanag ng direktor.

Ayon pa kay Antoinette, bilib siya sa tapang ni Paulo na gumanap bilang siya pelikula, “Actually dahil 2016 pa po ito, marami pong revision ‘yung script. Meron akong isang actor in mind pero si Pau talaga ‘yung matapang eh.

“Kailangan ko ng isang matapang na artista. Pero naintindihan ko ‘yung takot, kung bakit nakakatakot i-portray ‘yung role sa ‘Fan Girl’ kasi you are portraying yourself,” chika pa ni Direk.

Dagdag pa niya, “Kaya sobrang tuwang-tuwa po ako kay Pau. After ilang days, walang questions asked, tinanggap niya. Ang tinanong lang po talaga niya is sino yung fan girl.”

Ang “Fan Girl” ay mula sa Black Sheep, Globe Studios, Crossword Productions, Project 8,l at Epic Media.

Mapapanood sa buong mundo ang lahat ng sampung pelikula ngayon sa MMFF simula sa Dec. 25 at maaari rin itong masaksihan sa UPSTREAM.ph sa halagang P250.

Maaari ninyo na agad mabili ang inyong tiket para sa “Fan Girl” simula ngayong araw sa

bit.ly/WatchFanGirl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending