Noranians, Kyline-Yasser fans nagpipiyesta sa pagbabalik ng 'Bilangin Ang Bituin Sa Langit' sa GMA | Bandera

Noranians, Kyline-Yasser fans nagpipiyesta sa pagbabalik ng ‘Bilangin Ang Bituin Sa Langit’ sa GMA

Ervin Santiago - December 07, 2020 - 11:59 AM

THIS is it!

Para sa lahat ng mga Noranians at supporters ng loveteam nina Kyline Alcantara at Yasser Marta, mapapanood na uli ngayong araw ang Kapuso drama series na “Bilangin ang Bituin sa Langit”.

Ngayong Lunes, Dec. 7, sa GMA Afternoon Prime, magpapasabog uli ng mga matitinding eksena ang seryeng natigil din ng ilang buwan dahil sa COVID-19 pandemic.

Natapos na ang ilang linggong lock-in taping para sa fresh episodes ng teleserye kaya muli nang nakabalik sa kani-kanilang mga pamilya ang cast nito pati na ang direktor nilang si Laurice Guillen.

Siguradong magpipiyesta na naman ang loyal fans ni Superstar Nora Aunor sa pagbabalik ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” sa telebisyon dahil nga nabitin sila sa biglang pagkawala ng programa.

Ibinahagi nina Zoren Legaspi, Gabby Eigenmann, Mylene Dizon, Ina Feleo, Yasser at Kyline sa Kapuso viewers ang ilan sa mga ipinagpapasalamat nila sa kabila ng mga pagsubok na hinarap ng sambayanang Filipino ngayong 2020.

“Very thankful na nag-resume na ulit back to work ang GMA. Isa ‘yun sa mga pinaka I think bago natapos ‘yung taon atleast nakabalik-trabaho kami,” pahayag ni Zoren.

Para naman kina Gabby at Mylene, super thankful sila na nabigyan uli sila ng chance na matapos ang serye under the new normal. Anila, nasulit ang kanilang effort at panahon habang malayo sa pamilya nitong nakaraang buwan.

“Thankful for this wonderful time with family,” sey ni Mylene.

Ayon naman kay Gabby, “We’ve been safe. We’ll just get through this nang sama-sama tayo. If you’re gonna ask if there’s still hope, hindi naman nawawala ang hope, e.”

Mensahe naman ng bagong kasal na si Ina, “You need to be reminded of the simplest things talaga na ‘yun ang blessing sa buhay and it’s like especially now it’s really family.”

Narito naman ang naging pahayag ni Kyline na umaming napakarami niyang natutunan at nadiskubre sa kanyang sarili ngayong panahon ng pandemya.

“Ako kasi ‘yung tipo ng tao na I always look forward. Kumbaga, ‘what’s my next move?’ So, talagang challenge siya. But at the same time, you’ll learn a lot,” sabi ni Kyline kasabay ng pag-imbita sa publiko na muling tutukan ang pagbabalik ng kanilang serye.

“Challenging din po ang lock in taping dahil isang bagsakan binigay sa amin ‘yung script pero masaya rin po dahil mas naging close ang lahat sa set. Masarap sa pakiramdam dahil suportado po namin at inaangat ang isa’t isa,” ani Kyline.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Yasser, “Challenging po talaga ang mga eksena dahil ito po ay directed by Laurice Guillen kaya everyday bago matulog at paggising nag-aaral po talaga kami ng script.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending