Fil-Austrian beauty queen sasabak sa Pinoy showbiz | Bandera

Fil-Austrian beauty queen sasabak sa Pinoy showbiz

Armin P. Adina - December 05, 2020 - 10:50 AM

Kasama ni PEPPs Foundation CEO Carlo Morris Galang (harap, kaliwa) sina Melanie Mader (kanan) at Iñaki Torres (gitna) sa paglulunsad ng PeppsTV. (Armin P. Adina) 

Papasukin na rin ng international beauty queen na si Melanie Mader ang makulay na mundo ng show business sa Pilipinas sa pagsali niya sa PeppsTV, ang digital entertainment platform ng Pilipinong live events production company na Prime Event Production Philippines (PEPPs) Foundation Inc.

Unang nakilala si Mader nang katawanin niya ang pamayanang Pilipino sa Austria sa 2016 Miss Philippines Earth pageant, kung saan nagwagi ang kontrobersyal na si Imelda Schweighart. Inuwi ng modelong Filipino-Austrian ang korona bilang Miss Philippines-Ecotourism, ngunit tinanggap ang titulong Miss Philippines-Water nang nagbitiw ang pinakamataas na reyna.

Noong 2018, kinatawan ni Mader ang Austria sa Miss Earth pageant, kung saan siya hinirang bilang Miss Earth-Air. Si Nguyen Phuong Khan ang nakasungkit sa pinakamataas na titulo, ang unang malaking korona para sa Vietnam.

Ipinakilala si Mader at iba pang mga baguhang artista sa paglulunsad ng online channel na dinaos sa Matrix Creation Events Venue sa Quezon City noong Disyembre 1. Kasama nila si Iñaki Torres, na bumida sa online BL (boys love) show na “MyDay: The Series.”

Sinabi ni Mader na sumailalim siya sa matinding pagsasanay upang maging aktres.

“We show our real selves in pageants. But in acting, we have to present different characters,” aniya.

Artista na ngayon ang Fil-Austrian beauty queen na si Melanie Mader./ARMIN P. ADINA

Bukas naman siya sa pagtanggap ng anumang mga papel, mapa-bida man o kontrabida.

Mapapanood siya sa online BL series na “My Toxic Lover” na muling pagbibidahan ni Torres, at mapapanood sa PeppsTV sa 2021.

Sinabi ni PEPPs chief executive officer Carlo Morris Galang na naglunsad sila ng online channel upang patuloy na makapagbigay ng trabaho sa mga tauhan niya, sapagkat malaking dagok ang natamo ng industriya ng live events nang tumama ang pandemya sa bansa.

“Our company needs to survive, and we have to do it online to provide entertainment,” ani Galang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

PEPPs ang nagdaraos ng mga patimpalak na Misters of Filipinas at Man of the World, maging ang “Halloween Horror House” at “Philippine Pageant Ball.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending