Bianca maluha-luha sa presscon ng PBB Connect; ilang na-retrench sa ABS-CBN balik-trabaho uli
MALUHA-LUHA si Bianca Gonzalez habang sinasagot ang tanong mula sa press tungkol sa muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya sa kabila ng pandemya at pagpapasara ng Kongreso sa ABS-CBN.
Ngayong Linggo, magsisimula na ang “Pinoy Big Brother Connect” at aminado ang isa sa mga host ng programa na si Bianca na talagang naging emosyonal sila nang malamang tuloy na tuloy na ang pagbabalik ng “PBB.”
“Oh my goodness, I think no one expected it. I remember this so vividly, na parang last week. Nu’ng nangyari lahat nang nangyari sa ABS-CBN, nagkita-kita kami nila Robi (Domingo), Melai (Cantiveros), Enchong (Dee) sa harap, sa Sergeant Esguerra (kung saan matatagpuan ang ABS-CBN building).
“And I remember nu’ng time na yun parang magda-drive around the compound, naka-hazard, nagbi-beep. May pinaglalaban, di ba? And I remember driving by the PBB house and I felt like yung second home namin hindi na magbubukas ulit,” ani Bianca na nagsimula nang maiyak.
“Ang bigat-bigat nu’ng feeling. So when this happened, grabe yung ginhawa. Grabe yung hope na nabigay and even though new normal ang magiging set-up ng lahat, I hope everyone who is watching us, everyone who joined us, everyone who auditioned, knows na the entire team is doing our very best to give hope to everyone, happiness, and inspiration,” lahad ng Kapamilya TV host.
Isa pa sa ikinatutuwa ni Bianca sa pagbabalik ng PBB, muli raw mabibigyan ng trabaho ang ilang na-retrench dahil sa ABS-CBN shutdown.
“Even the core staff in PBB will have protocols and they will be making a huge sacrifice of doing shifts inside the PBB house where they will be locked in.
“It was just so heartwarming to see na madaming staff na part ng retrenchment months ago are now back because PBB is back.
“And so ang daming magandang bagay na nadala ng pagbabalik ng PBB and I hope you all support us and maraming maraming salamat to those who are here and those who auditioned. It means so much to the entire team,” pahayag ni Bianca.
Tungkol naman sa magiging part niya sa show, “My assignment is as always to support the storytelling kasama ni Toni G when she will not be able to do it as well. I will be partnered with Robi, my baby brother. Kami ang toka sa primetime show on Kumu at 8 p.m..”
Samantala, nakilala ni Bianca ang ilan sa mga aspiring housemate at ilan nga sa mga ito ay maswerte ngang nakapasok sa final auditions.
“Actually nakausap namin ang ilang aspiring housemates, kami ni Robi have already started the Kumu shows since two to three weeks we have been doing the 8 p.m. show sa PBB ABS-CBN channel ng Kumu. May nakakausap kaming aspiring housemates.
“Pero nu’ng unang time na nag-show kami live kasama namin si direk Lauren (Dyogi), nagbigay siya ng golden star. Nanonood siya ng isang audition video for the first time and right there live sa Kumu nagbibigay siya ng golden star.
“Kumbaga gusto niya mag-move forward to the second round of auditions and I don’t know how Robi feels pero tuwang tuwa ako. Minsan pag nakikita ko yung reveal tuwang-tuwa ako na yung binigyan ng golden star dati, ngayon papasok na ng bahay ni Kuya.
“So parang part na kami ng journey nila and everyone who watched on Kumu, parat ka na nung journey at nung dream nung taong yun natupad at official housemate na siya,” lahad pa ni Bianca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.