Toni binigyan ng tips si Charlie Dizon bilang young Teddie sa 'Four Sisters Before The Wedding' | Bandera

Toni binigyan ng tips si Charlie Dizon bilang young Teddie sa ‘Four Sisters Before The Wedding’

Ervin Santiago - December 03, 2020 - 10:58 AM
FEELING lucky ang Kapamilya young actress na si Charlie Dizon dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanyang buhay at career.

Bukod kasi sa pumasok sa 2020 Metro Manila Film Festival ang movie niyang “Fan Girl,” isa rin siya sa bibida sa prequel ng “Four Sisters And A Wedding”, ang “Four Sisters Before The Wedding” ng Star Cinema directed by Mae Cruz.

Si Charlie ang gaganap bilang Teodora Grace Salazar, o mas nakilala bilang si Teddie, ang panganay sa Salazar sisters na ginampanan ni Toni Gonzaga sa original film na ipinalabas noong 2013.

Ayon kay Charlie, napakaswerte rin niya dahil binigyan daw siya ng acting tips ni Toni para mas madali niyang magampanan ang role, “Yung mga kailangan ko tandaan siguro yung nuances talaga ni Teddie and actually naging suwerte ako nakausap ko nang saglit si Ms. Toni.

“Sabi niya sa akin, ‘Lagi mo lang tatandaan na ayaw ni Teddie ng awkward situations kaya siya medyo OA gumalaw.’ Basta gusto niya masaya o hindi negative yung nangyayari.

“So, yun yung pinakatinandaan ko, yung essence ni Teddie and yung pagkapanganay niya hindi talaga mawawala yung siya yung nagli-lead ng mga magkakapatid. Yun yung makikita natin sa Four Sisters Before The Wedding,” sabi pa niya.

Aminado ang dalaga na matindi ang pressure na nararamdaman niya habang papalapit na ang showing ng movie, “Aside from the expectations, natural lang na may expectations yung mga tao talaga but dahil nga tinulungan kami ng production and our director, everyone tinulungan kami sa Star Cinema na mag-prepare talaga.

“And ako, aside from the pressure, inisip ko na lang talaga din na i-enjoy yung moment kasama yung mga cast and yung whole production kasi yun talaga yung naramdaman namin while we were shooting.

“Sobrang positive yung energy ng buong cast so hindi ko na masyado maisip yung pressure while we were doing it. Of course andun pa rin yung pressure but more on excited ako,” paliwanag ni Charlie.

Sa kabila ng challenge ng lock-in taping, kabilang na ang bonggang-bonggang preparasyon sa bawat karakter sa pelikula, “So nahimay namin talaga bawat characters kasi importante din yun para malaman namin kung ano yung dynamics namin with each other, hindi lang sa character namin talaga.

“Ang laking tulong talaga na nag-one-on-one kami with direk Mae kasi parang mas nakilala namin ang isa’t isa. Mas madaling maging open sa amin and talagang sinabi niya sa amin ang bawat part, kung ano mang essential sa bawat character.

“Sobrang grateful namin kay direk Mae na talagang na-guide niya kami. Talagang naramdaman ko kasi na kami talaga yung characters na yun laya naging madali,” aniya pa.

Chika pa ni Charlie, “Sobrang proud ako sa project namin na ito. Proud ako sa buong team, sa Star Cinema, sa cast. Sobrang thankful ako na makasama ko sila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Four Sisters Before The Wedding” worldwide simula sa Dec. 11 via KTX.ph (ktx.ph), iWantTFC (iwanttfc.com), TFC IPTV, Cignal PPV (my.cignal.tv), and Sky Cable pay-per-view (mysky.com.ph).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending