Andi: Kakaiba ang naging effect sa akin ng Siargao, sabi ko bagay kami rito ni Ellie
HINDI sapat ang mga salita para mailarawan ni Andi Eigenmann ang nararamdaman niyang kaligayahan kapag siya’y nasa Siargao.
Napakarami na raw niyang lugar na napuntahan hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ngunit iba raw talaga ang effect sa kanya ng Siargao.
At mas na-in love pa siya sa nasabing probinsya nang makilala niya ang champion surfer na si Philmar Alipayo — hanggang sa magdesisyon na nga siyang iwan ang Maynila at doon na manirahan.
“I’ve always been an island lover, like a beach girl. ‘Yan ang favorite pastime ko,” ang masayang kuwento ni Andi nang i-feature ang kuwento niya sa “Tunay na Buhay” hosted by Pia Arcangel.
Aniya, isa pa sa dahilan ng biglaang pag-alis niya sa mundo ng showbiz ay ang anak niyang si Ellie na ang bilis-bilis daw lumaki, “I felt like I needed to take a break from showbiz. I wanted to have more time with Ellie.”
Sey pa ng aktres, sa Siargao niya napiling manirahan dahil sa magic na hatid nito sa kanila ni Ellie, “I’ve been to many places in the world, iba lang ‘yung naging effect sa amin ng Siargao. Kumbaga nakita ko talaga ‘yung sarili ko doon.
“When we first went there Ellie was only five years old, and she really fit in so well. She made friends so fast.
“Hindi ko gagawin ‘yung desisyon na yun kung hindi ko rin nakita sa anak ko na pareho kami, na gusto namin ito, bagay kami rito.
“Sobrang simple at tahimik ng buhay sa Siargao, very warm and welcoming (ang mga tao roon).
“To belong in a community like that coming from an industry na you’re constantly judged, and people always have something to say…it made me realize na this is the kind of life that I want for myself,” lahad pa ng anak ni Jaclyn Jose.
Buntis ngayon si Andi sa ikalawang anak nila ni Philmar at dito nga sa Manila siya inabutan ng lockdown kaya halos kalahating taon silang hindi nagkita ng kanyang partner.
Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon, mula sa Siargao, nagtungo muna sa Maynila si Philmar para makasama ang kanyang pamilya. Tuwang-tuwa naman ang mag-iina sa pagdating ng padre de pamilya.
Samantala, sinabi rin ni Andi na hindi naman siya gaanong hirap sa pagbubuntis niya ngayon, “This pregnancy has been easier, ang nagpapahirap lang is iba ‘yung situation natin ngayon.”
At nang hingan ng message para sa kanyang mga anak, “I just want to raise them to be independent, strong, brave, and most of all, kind.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.