Zaijian may inamin matapos ang girl na girl na role sa 'Boyet Not a Girl Yet' | Bandera

Zaijian may inamin matapos ang girl na girl na role sa ‘Boyet Not a Girl Yet’

Reggee Bonoan |November 28,2020
facebook
share this

Zaijian may inamin matapos ang girl na girl na role sa ‘Boyet Not a Girl Yet’

Reggee Bonoan - November 28, 2020 - 04:08 PM

Ang galing-galing ni Zaijian Jaranilla gumanap ng bading sa pelikulang “Boyette Not a Girl Yet.” Lahat ng nuisance niya ay girl–ang gaganda ng mga kamay bukod sa kutis, at higit sa lahat, mukha talaga siyang babae kaya kung hindi mo kilala ang batang aktor ay iisipin mo talaga na gay siya.

Tinanong naman ang aktor sa nakaraang virtual mediacon niya kung hindi ba siya naalangang tanggapin ang karakter niyang si Boyette bilang bading lalo’t medyo malamya siyang kumilos kaya posibleng paghinalaan siya.

Hindi naman daw dahil gusto niya ay nacha-challenge siya sa mga role niya.  Pero aminado siyang nahirapan siyang gampanan ang karakter na bading dahil lalaking-lalaki siya kaya tinulungan naman daw siya ng direktor nya.

“Tinutulungan ako ng mga direktor ko. At ‘yung set po namin halos puro gays po. So sinasabi nila na ‘oy medyo lalaki ka sa ganitong galaw, gawin mo ito.’ Parang binibigyan nila ako ng tips. Mas gusto ko po ‘yung parang nacha-challenge po ako,” say ni Zaijian.

Isa pang dahilan kung bakit tumanggap ng out of the box na role si Zaijian, “Para po mabago ang image ko, kasi si Santino pa rin ang naalala ng tao sa akin.  Matagal na po si Santino.”

Anyway, high school crush ni Boyette si Inigo Pascual na barkada ang tingin sa kanya kaya ingat na ingat siyang malaman nitong bading siya at isa rin sa dahilan kaya siya sumali sa dance group ay para makasama parati ang binatang may gusto naman kay Maris Racal na ang gusto ay si Boyette.

Stand out sa pelikula sina Zaijian at Dominic Ochoa na gay father ni Inigo na kung kailan tumanda ay saka nagladlad.  Pumapalakpak kami sa pag-uusap ng dalawa na puro beki words ang gamit na napakanatural ng pagkaka-deliver nila, as in.

May kasintahan si Zaijian, isang taon at isang buwan na sila at inspirasyon niya ito at very supportive sa career niya kaya naging madali rin sa kanya na tanggapin ang pelikulang idinirek ni Jumbo Albano.

Para sa mga gustong tumawa at maaliw, panoorin ninyo ang “Boyette Not A Girl Yet” sa KTX.ph, iWant TFC, TFC IPTV, Cignal pay-per-view at Sky Cable pay-per-view sa halagang P150 pramis mae-enjoy ninyo habang kumakain kayo ng popcorn o tsitsirya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending