Maris Racal, Kokoy de Santos batang version ng tambalang Maricel-William | Bandera

Maris Racal, Kokoy de Santos batang version ng tambalang Maricel-William

Reggee Bonoan |November 24,2020
facebook
share this

Maris Racal, Kokoy de Santos batang version ng tambalang Maricel-William

Reggee Bonoan - November 24, 2020 - 01:13 PM

HARAPANG inamin nina Inigo Pascual at Maris Racal sa virtual mediacon ng pelikulang “Boyette:  Not A Girl Yet” na hindi sila naging magkarelasyon — hanggang close friends lang daw sila.

Bigla tuloy naming naalala si Maris sa panayam niya sa “Tonight with Boy Abunda” noong Hunyo, 2019 kung saan sinabi niyang, “Inigo broke my heart.”

At dahil nakalipas na, ilang bagyo na ang nagdaan, binaha ang ilang parte ng Pilipinas at may COVID-19 pandemic pa rin, ay napag-isip-isip ni Maris na mas magandang magkaibigan na lang sila ni Inigo.

Kitang-kitang naman na naka-move on na ang dalaga sa naging past nila ng binata dahil ang saya-saya niya nang humarap uli sa members ng  media.

As expected, malaki ang kontribusyon nina Maris at Inigo sa “Boyette: Not A Girl Yet” na pinagbibidahan ni Zaijian Jaranilla mula sa Star Cinema at idinirek ni Jumbo Albano. Mapapanood na ito sa Nob. 27 via KTX.ph at iWant TFC, Sky Cable pay-per-view at Cignal pay-per-view.

Speaking of Maris, nalilinya talaga siya sa mga lalaking kulot ang buhok dahil pagkatapos ni Inigo ay si Kokoy de Santos naman ang makakatambal niya sa “Stay In Love”, isang romantic comedy series na mapapanood sa TV5 produced by Cignal and line produced by Cornerstone Studios.

Mapapanood na ngayong 9:30 p.m. ang “Stay In Love” sa pangunguna nina Maris (Diding) at Kokoy (Dodong) at base sa napanood naming teaser sa TV5 ay may chemistry naman ang dalawa. In fairness, pareho kasi silang komedyante.

Aliw na aliw ako sa batuhan nina Kokoy at Maris ng dialogue at para sa akin, perfect silang loveteam kaya sana’y mabigyan sila ng pelikula.

Parang nakikita namin sa kanila noong mga bagets pa sina Maricel Soriano at William Martinez.

Napanood namin ang virtual mall show ng “Stay In Love” na ginanap sa Cornerstone Studios pero naka-live naman sa TV5 kung saan napanood sila sa lahat ng Vista Mall branches.

Bukod kina Maris at Kokoy ay kasama rin sa cast sina Ruffa Gutierrez, Bobby Andrews, Marc David at Pooh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending