Talent fee ni Pacquiao sa Mobile Legends ido-donate rin sa typhoon victims | Bandera

Talent fee ni Pacquiao sa Mobile Legends ido-donate rin sa typhoon victims

Ervin Santiago - November 23, 2020 - 02:30 PM

MATAPOS i-donate sa typhoon victims ang talent fee bilang brand ambassador ng isang telecom company, isa pang project ang tinanggap ni Sen. Manny Pacquiao para mas marami siyang matulungan.

Ibinandera nitong weekend na si Pacquiao ang napili bilang pinakabagong ambassador ng sikat na sikat na online game na “Mobile Legends: Bang Bang.”

“It is an amazing experience. I have seen how much the esports community in the Philippines has grown and how much the gaming community has embraced ‘Mobile Legends Bang Bang,'” pahayag ng Pambansang Kamao.

At bilang bahagi ng pagiging endorser ng senador at boxing champ, ipinakilala rin ng mga taong nasa likod ng “Mobile Legends” ang pinakabagong bagong character sa nasabing online game — si Paquito na hango nga sa pangalan ni Manny.

Sa panayam naman ng ABS-CBN sa business manager ni Pacman na si Arnold Vegafria, pamilyar naman talaga ang boxer-politician sa nasabing game dahil nilalaro rin ito ng kanyang mga anak.

“Naglalaro sila during their bonding moments at home. Ang maganda may Filipino hero character na rin sa game,” pahayag ng talent manager.

At dito nga nabanggit ni Arnold na ang talent fee ni Manny mula sa “Mobile Legends” endorsement ay gagamitin din sa isinasagawa nilang relief mission para sa mga kababayan nating nawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa mga nagdaang bagyo.

“‘Yung endorsements niya, ibibigay niya for the relief operations niya at ibinibigay niya sa tao. Umiikot kasi talaga siya e,” pahayag pa ni Arnold.

Nauna nga rito ay ang pagdo-donate ni Manny ng talent fee niya sa Globe sa typhoon victims, “I am given another God-given opportunity to be of help to our kababayans in any way I can.

“That is why my endorsement fee for this endorsement will go to relief efforts to help our kababayans who were affected by the devastation of Rolly and Ulysses.

“Ibibigay natin sa mga tao ang ating income dito. Ibabalik natin sa taumbayan para naman makatulong ito ng malaki sa ating mga kababayan na naghihirap at nagugutom ngayon at nawalan ng tahanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sama-sama tayong babangon, that is my commitment. By God’s grace we can look forward to better days of our nation. Remember, the best is yet to come because God is good all the time,” mensahe ng Pambansang Kamao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending