Presyo ng diesel, gaas magkakaroon ng pagtaas sa susunod na linggo
Magkakaroon ng panibagong pagtataas sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.
Batay sa pagtaya, aabot sa P0.40 hanggang P0.50 ang dagdag na presyo sa bawat litro ng diesel.
Sa kerosene o gaas, inaasahang tataas ng P0.30 hanggang P0.40 ang kada litro.
Wala namang inaasahang pagbabago sa presyo ng gasoline.
Sa araw ng Lunes, inaasahang mag-aanunsiyo ang iba’t ibang oil companies ng kanilang oil price adjustment. ( wakas)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending