Kris, Ryza, Maris, Matteo, Cristine hahataw sa ‘Primetime Todo’ ng TV5, Cignal
SIMULA bukas, Nov. 23, sunud-sunod ang magiging pasabog ng TV5, kasama ang Cignal TV.
Siguradong magbabago ang inyong primetime evenings dahil sa mga bago at exciting shows na hahataw sa Kapatid Network.
Ang Cignal Entertainment (film at television production arm ng Cignal TV), ay nakipagsanib-pwersa sa Archangel Media upang ihandog ang mga programang “Ate ng Ate Ko” at “Carpool.”
Kasama naman ng Cignal ang Cornerstone Entertainment para sa “Stay-in Love” at ang Viva Entertainment para sa inaabangang “Bella Bandida” at “Kagat ng DIlim.”
Sa pamamagitan ng Cignal Entertainment, ang TV5 ay nagpapatuloy panghawakan ang kanilang pangako na magbigay ng inspirasyon sa Filipino viewers sa pamamagitan ng kanilang orihinal at kamangha-manghang content: offering programs magmula sa drama, romance, action at suspense.
Gayundin, ipakikilala nila ang bagong paraan na mag-enjoy ang mga TV5 viewers sa 9:30 p.m. Primetime Todo block.
Ngayon, pwedeng tangkilikin ang once-a-week na mga seryeng may iba’t ibang genre tuwing Lunes hanggang Biyernes. Ang Primetime Todo ay maghahatid ng limang palabas na maghahandog ng iba’t ibang kwento upang punan ang kanilang gabi: “Ate Ng Ate Ko” (Monday), “Stay In Love” (Tuesday), “Bella Bandida” (Wednesday), “Carpool” (Thursday), and “Kagat ng Dilim” (Friday).
Talaga namang walang duda na kalidad na entertainment ang pangunahing misyon ng TV5 habang patuloy silang nagbibigay ng mga oportunidad sa mga taong nasa industriya. Kasama rin dito ang pagbibigay ng makabuluhang dahilan na magkaisa ang mga manonood through a wide array of exciting programs.
Ang mga sikat na artista tulad nina Kris Bernal at Isabelle de Leon ay magbabalik-telebisyon sa pagbibidahan nilang bagong weekly primetime series na “Ate ng Ate Ko.” Kasama rin nila rito sina Jake Cuenca, Tonton Gutierrez, Joem Bascon, Kim Last at Phil Noble. Maglalahad ito ng isang dramatic at misteryosong kwento ng dalawang magkapatid kung saan ang kanilang pagkakaiba ay naging balakid sa kanilang relasyon.
Ipakikita rin nila kung paano sila magsu-switch places matapos ang isang misteryosong krimen. The show will also tackle a psychological condition called “dissociative fugue” — isang rare form of amnesia. Magsisimula ito bukas, 9:30 p.m..
Susunod sa listahan ng mga bagong primetime teleserye ang isang romantic comedy na magbibigay excitement sa mga manonood. Ang “Stay-in Love” na tungkol sa buhay ng young at charming lady na pagbibidahan ni Maris Racal, kung saan pangarap niya ang maging isang kasambahay.
Habang inilalahad ang kwento, makikilala ng manonood ang iba pang mga karakter na nagkakagulo sa paghahanap ng kasagutan sa kanilang mga problema. Makakasama ni Maris Racal sa light-hearted romcom na ito sina Ruffa Gutierrez, Bobby Andrews, Pooh, Marc David, at breakout artist na si Kokoy de Santos. Sa Nov. 24 naman ito eere, 9:30 p.m..
Mula naman sa producers ng action-packed women starrers “Buy Bust” at “Maria”, ipinakikilala ang “Bella Bandida”, isang action-drama series hango sa classic comic book ng National Artist na si Francisco V. Coching.
Ito’y pagbibidahan ni Ryza Cenon bilang si Bella Bandida, isang idealistic doctor na mabibiyayaan ng kakaibang kapangyarihan para protektahan ang kanyang bayan at makamit ang hustisya. Magsisimula na ito sa Nov. 25.
Ang “Carpool” naman ay bagong horror serye tungkol sa buhay ng apat na kabataan na gagampanan ni Sarah Carlos, Alex Diaz, Kate Lapuz, at Kenneth Medrano. Magsisimula ang kuwento sa isang carpool ride na hahantong sa isang trahedya. Simula na ito sa Nob. 26 at eere tuwing Huwebes ng 9:30 p.m..
Ang “Kagat ng Dilim” naman ay ang 2020 evolution ng early 2000’s na horror anthology series. Ngayon, apat sa pinakatalentado at kilalang mga direktor ng ganitong genre ay gagawa ng 13 na nakakikilabot na mga episodes that haunted the minds of Filipinos.
Ang mga kwento na ginawa nina directors Lawrence Fajardo, Richard Somes, Paul Basinillo and Rae Red will give a new generation of Pinoy horror fans ng mas maraming dahilan para matakot sa dilim. Pinagbibidahan ng mga naglalakihang Viva talents such as Matteo Guidicelli, Cristine Reyes, Maui Taylor and Ella Cruz, ang series ay magsisimula sa Nov. 27 at eere tuwing Biyernes at 9:30 p.m. din.
Lahat ng ito ay nagpapatotoo sa misyon ng Cignal Entertainment at TV5 na baguhin ang TV experience ng mga Pinoy. Ang pagkamalikhain at kolaborasyon ay ipagpapatuloy sa puso ng Philippine entertainment; at ang Bigger Better BER Months campaign ng TV5 ay isang testamento nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.