Andrea Torres nagsalita na rin sa paghihiwalay nila ni Derek, pero... | Bandera

Andrea Torres nagsalita na rin sa paghihiwalay nila ni Derek, pero…

Reggee Bonoan |November 20,2020
facebook
share this

Andrea Torres nagsalita na rin sa paghihiwalay nila ni Derek, pero…

Reggee Bonoan - November 20, 2020 - 09:20 PM
NAGLABAS na rin ng opisyal na pahayag ang aktres na si Andrea Torres kaugnay ng biglaang paghihiwalay nila ni Derek Ramsay.

Kung si Derek ay idinaan sa Instagram ang pag-aming break na nga sila ni Andrea nitong Huwebes ng gabi, sa GMA Network.com naman nagbigay ng official statement ang dalaga.

Nauna ngang nagsalita si Derek tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Andrea nang ipagtanggol niya ang aktres sa kanyang IG followers na nagkomento ng hindi maganda.

At ngayong gabi nga si Andrea naman ang umamin, “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give the break-up the same amount of respect that I had for the relationship.

“I think you all know how much it meant to me, I hope you understand. I will always wish him and his family well,” pahayag ng aktres.

Maraming nagulat na mga kaibigan nina Derek at Andrea sa biglaan nilang paghihiwalay dahil ang alam nga nila ay sa simbahan na ang tuloy ng kanilang pagmamahalan. Parehong nagsabi ang ex couple na handa na nilang i-level up ang kanilang relasyon pero kabaligtaran ang nangyari.

Ayon sa aming source ay nagulat din si Dra. Vicki Belo sa balita dahil huli niyang nakita sina Derek at Andrea ay noong Nob. 5 lang para sa kanyang special home episode vlog sa YouTube.

Labingdalawang araw ang nakalipas, Nob. 17 nang maghiwalay ang dalawa base rin sa pahayag ng aming source.

Totoo naman din ang pahayag ni Derek na walang third party sa paghihiwalay nila ni Andrea dahil personal daw talaga ang rason na hindi na rin binanggit sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umabot naman nang mahigit isang taon ang relasyon nina Derek at Andrea na kung tama ang pagkakatanda namin ay ito ang ikalawang pinakamaiksing relasyon ng aktor dahil ang una ay si Cristine Reyes na umabot ng isang buwan lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending