Enchong binanatan si Panelo matapos mag-sorry kay VP Leni: You are an embarrassment | Bandera

Enchong binanatan si Panelo matapos mag-sorry kay VP Leni: You are an embarrassment

Reggee Bonoan |November 20,2020
facebook
share this

Enchong binanatan si Panelo matapos mag-sorry kay VP Leni: You are an embarrassment

Reggee Bonoan - November 20, 2020 - 02:28 PM

“YOU are an embarrassment (Salvador) Panelo!”

Bahagi ito ng tweet ni Enchong Dee kamakailan dahil sa ginawa ng Chief Presidential Legal Counsel ni President Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo.

Ni-repost ng aktor ang paghingi ng sorry ni Atty. Salvador Panelo kay VP Leni dahil sa mali-maling impormasyong natanggap nito sa kasagsagan ng pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong Ulysses sa Catanduanes, Cagayan, Isabela at iba pang lugar na nasalanta.

Kaliwa’t kanan ang batikos kay VP Leni mula sa mga tagapagtanggol ni Pangulong Duterte na inakalang nakikipagkumpetensya ito sa pagsasagawa ng relief operations.

Ayon sa report ng ABS-CBN, “Panelo sorry for ‘opinion’ based on ‘inaccurate’ information about Robredo relief operations.”

Ito naman ang reaksyon ni @enchongdee777 sa kanyang Twitter account, “One of the responsibilities of a public official is to make sure they’re fact-checking their information, most specially if you are a legal advisor. You are an embarrassment Panelo.”

Kilala si Enchong na vocal sa mga bagay na hindi niya gustong nangyayari sa gobyerno lalo’t pagdating sa pagtulong para sa mga kababayang biktima ng anumang sakuna.

Samantala, ang daming bumabati at pumuri kay Enchong sa napakatapang niyang karakter bilang si Uno sa pelikulang “Alter Me” na napapanood ngayon sa Netflix kasama si Jasmin Curtis Smith.

Sa unang pagkakataon kasi ay nagpakita ng butt ang aktor habang nakikipag-sex at bukod pa sa kanyang private part na natatakpan lang ng whipped cream.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talk of the town ngayon ang paghuhubad ng aktor bagay na ikinagulat ng marami dahil nga kilalang wholesome ang lahat ng pelikulang ginagawa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending