Kilalang aktor mahilig manulot ng project; director-producer bagong biktima | Bandera

Kilalang aktor mahilig manulot ng project; director-producer bagong biktima

Reggee Bonoan |November 19,2020
facebook
share this

Kilalang aktor mahilig manulot ng project; director-producer bagong biktima

Reggee Bonoan - November 19, 2020 - 04:15 PM

SOBRANG sama ng loob ng kilalang producer at director ng mga TV commercial at indie films sa isang seasoned actor.

Ang nasabing male celebrity ay nagdidirek din at ayon sa aming source ay mahilig din itong manulot ng project kapag ginusto niya.

Nagkuwento sa amin ang mismong staff ng kilalang producer tungkol sa hindi kagandahang ugali ng aktor.

“Si _____ (kilalang producer) kasi nagsusulat din ng script at siya ang nagpe-present sa client, tapos si ______ (seasoned actor) was part of the team kasi magkakaibigan sila, so isinasama siya sa project as an actor.

“After a month, nagulat na lang si _____ (kilalang producer/director) dahil hindi na siya part ng pelikula tapos nakausap nila ‘yung client, si ______ (suluterong aktor) na raw ang gumawa.

“Sa madaling salita, bumuo ng ibang team si ______ (seasoned actor) at siya na ang nag-ldirek at nagsilbing producer na rin.

“Tinawagan ni ______ (producer at director) si _____ (seasoned actor) tungkol sa project para kumustahin sana, hindi na siya sinasagot tapos biglang hindi na ma-reach ‘yung cellphone number,” ang buong kuwento ng aming kausap.

Akala namin ay isa lang ang nabiktima ng kilalang aktor sa panunulot ng projects, may dalawa pa kaming nakausap na naka-experience rin ng hindi maganda sa kanya.

Nagulat lang kami sa mga nalaman namin dahil hindi naman nakilala ang seasoned actor sa ganoong imahe.

Akala namin ngayong panahon lang ng pandemic kaya siya nanulot ng project dahil nangangailangan siya ng raket, hindi pala. Ugali na pala niya ito matagal na.

Sa ngayon ay wala kaming alam na pinagkakaabalahan ang seasoned actor kaya nga “seasoned” eh. Hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero seriously speaking, ang huling balita namin ay abala raw ito sa mga negosyo niya na may kinalaman sa agrikultura.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending