James, Nadine Kapamilya pa rin; ka-join sa ABS-CBN Christmas Station ID | Bandera

James, Nadine Kapamilya pa rin; ka-join sa ABS-CBN Christmas Station ID

Ervin Santiago |November 19,2020
facebook
share this

James, Nadine Kapamilya pa rin; ka-join sa ABS-CBN Christmas Station ID

Ervin Santiago - November 19, 2020 - 09:34 AM

NATUWA at na-excite ang loyal fans nina Nadine Lustre at James Reid nang mabalitaang mananatili pa ring Kapamilya ang JaDine.

Kumalat kasi sa social media ang chika na kasama pa rin sina Nadine at James sa inaabangang 2020 ABS-CBN Christmas Station ID.

Makikita ang onscreen couple suot ang official t-shirt ng “Ikaw ang Liwanag at Ligaya” na siyang ginamit ng lahat ng Kapamilya stars and personalities sa shooting ng ABS-CBN CSID.

Mismong ang ABS-CBN creative manager na si Kathrina Sanchez ang nag-post ng litrato ng JaDine sa Twitter na kuha sa shoot ng bagong Christmas Station ID ng network.

Kaya naman super happy ang fans nina James at Nadine dahil sigurado raw na may mga bagong nilulutong projects ang istasyon para sa kanilang mga idolo na matagal-tagal na rin nilang hindi napapanood sa TV.

At siyempre, hoping and praying sila na very soon ay bibigyan uli sila ng kanilang mother network ng project together dahil talagang miss na miss na nila ang pagpapakilig ng JaDine.

Sabi nga ng isang diehard fan nina James at Nadine sa amin, “Sana naman may pa-surprise ang ABS sa fans ng JaDine sa pagpasok ng 2021! Yun na lang sana ang New Year’s gift nila sa amin. Love love love JaDine Forever!”

Ayon naman sa isa pang solid JaDine, ipinagdarasal talaga niya na magkaroon uli ng teleserye ang maituturing ding phenomenal loveteam sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Huling umapir sa telebisyon ang actor-singer-record producer bilang judge sa “Search for the Idol Philippines” noong 2019.

Ang last project naman ni Nadine sa ABS-CBN ay ang pagiging hurado rin sa reality talent search na “Your Moment” noong February, 2020.

Noong 2015 naman bumida ang JaDine sa ABS-CBN Christmas station ID na “Thank You for The Love” kasama ang dalawa pang top loveteams ng network — ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) and LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending