Angel kontra sa pagbawi ng lisensiya ng guro: Hindi kailangang umabot sa ganu’n
MARAMING nagkomento na dapat daw bawian na ng lisensya ang teacher na tumawag kay Angel Locsin ng “obese” sa ginawa nitong learning module.
Kahit daw ano pang gawing depensa ng nasabing guro na mula sa Abra de Ilog National High School, Occidental Mindoro, binastos at ipinahiya na niya ang Kapamilya actress.
May mga tagasuporta si Angel ang nag-suggest na parusahan agad ng suspensyon ang teacher habang isinasagawa ang ng Department of Education (DepEd) ang tinatawag nitong “administrative procedure”.
May ilang teacher din ang nag-message sa dalaga at humingi rin ng paumanhin sa kanya at sana’y mapatawad din niya ang kapwa nila guro.
Nabasa ni Angel ang comment ng isa niyang Instagram follower sa ipinost niyang statement ng DepEd at ang matapang niyang reaksyon hinggil dito.
Pagkontra ni Angel sa pahayag nflg DepEd, “I don’t mind the insults. Cheap comments do not define who I am.
“I intended to ignore this issue, but when I read deped’s statement, aba teka lang.
“What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children.
“Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?
“This is the more relevant issue deped, that you should be held accountable and must correct. Sa inyo naka salalay ang pag asa ng ating milyon milyong kabataan.”
Comment naman ng IG user na nagtanggol sa aktres, “Hindi ba unethical ang ginawa ng teacher na yan, which I think is enough reason to revoke his/her license?”
Pero wala naman daw balak si Angel na ipatanggal ang lisensiya ng teacher. Aniya, “Hindi naman kailangang umabot sa ganun.”
May point naman ang aktres, sabi ng ilang netizens. Nagkamali nga ang guro at dapat parusahan pero kalabisan na kung tatanggalan siya ng lisensya at forever nang hindi makakapagturo.
Samantala, nabanggit ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, posibleng maharap sa sanction ang teacher base sa kanilang existing rules and regulations.
“We believe that the item was not acceptable and that has been withdrawn.
“There will be an administrative process that will be initiated and appropriate sanctions for that specific misstep of the teacher will be imposed after due process,” ayon kay San Antonio sa panayam niya sa programang ng Matters of Fact sa ANC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.