Hindi ako nagmamagaling at nagmamalinis, hindi rin ako nagyayabang | Bandera

Hindi ako nagmamagaling at nagmamalinis, hindi rin ako nagyayabang

Ervin Santiago - November 19, 2020 - 09:16 AM

MULING ipinagdiinan ni Willie Revillame na wala siyang inaasintang posisyon sa gobyerno sa gitna ng walang tigil na pagtulong niya sa lahat ng mga Pinoy na nangangailangan.

Lalong hindi rin daw siya nagmamayabang sa tuwing ibinabandera niya sa kanyang programang “Wowowin” ang mga ayudang naibibigay niya sa ating mga kababayan.

Sa isang episode ng “Wowowin: Tutok To Win” ng GMA 7 nangako ang TV host-comedian na hangga’t kaya niyang tumulong at magpasaya, ay gagawin niya.

Nakiusap din siya na huwag nang lagyan ng malisya o ikonek sa politika ang pag-aabot niya ng tulong sa mga nawalan ng kabuhayan dulot ng pandemya at ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa.

“Ito ang panahon na tulungan natin ang gobyerno, dahil ang gobyerno ay tayong lahat, ang mga tao ang gobyerno. Sama-sama tayo,” panawagan ng Willie.

Last week, personal na nagtungo sa Catanduanes ang TV host para maghatid ng tulong at donasyon sa mga residenteng nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Nag-promise naman si Willie na bibisitahin at magbibigay din siya ng ayuda sa Cagayan na matindi ring naapektuhan ni Ulysses.

“Kapag may pagkakataon na makapunta ako diyan, tutal puwede naman akong lumipad diyan,” ani Willie.

Nabalita rin na nagbenta na rin siya ng kanyang mamahaling sasakyan para magkaroon ng karagdagang budget na ibinigay nga niya sa mga taga-Marikina at residente ng Montalban, Rizal na nilubog din ng baha.

“Sa totoo lang hindi ako nagmamagaling, wala akong balak na anumang posisyon o ano  hindi ko ho nasa isip ‘yan.

“Napakahirap na mayroon kang katungkulan sa gobyerno dahil bawat galaw mo eh papansinin ka. Mas maganda na yung ganito po,” lahad pa TV host.

Sa lahat naman ng mga nangnenega kay Willie sa kabila ng ginagawa nitong kabutihan sa mga kababayan nating nawalan ng bahay at kabuhayan, wala raw siyang ibang motibo hinggil dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ng komedyante, “Hindi ako nagmamagaling, hindi ako nagmamalinis, hindi ako nagyayabang. Gusto ko totoo lahat ng sasabihin ko at gusto ko nalalaman n’yo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending