TV host-singer walang kupas ang pagiging late: Hindi pa rin siya nagbabago!
AKALA namin ay on time nang dumarating ang TV host-singer sa show kung saan siya kasama ngayon.
Ang press release kasi niya parati ay maaga na siyang dumarating dahil nagbagong-buhay na siya, siyempre marami naman ang natuwa dahil mahusay naman talaga siya sa kanyang larangan.
Pero heto, hindi pala trulili dahil mismong staff ng production ang nagsabing, “Sakit siya sa ulo kasi laginglate, hindi naman siya dumarating sa oras, siguro nu’ng bago, pero hindi, late talaga.
“For example, 9 a.m. ang call time and we were supposed to roll by 11 a.m., anong nangyayari, laging 1 p.m. or mas late pa dumating.
“So anong nangyari? Ang daming oras na nasayang, di ba? Alam naman na 12 to 14 hours lang dapat mag-work according sa health protocols.
“Mega wait kami nu’ng una pero napansin namin na araw-araw, so binabago talaga namin ang script as in. So, kukunan lahat ng segment na wala siya. Ang ending late kami natatapos, e, alam naman na limited ang oras, di ba?
“Tapos magmamadali kapag dumating kesyo ganito-kesyo ganyan, Kumbaga last chance na niya ito kasi halos lahat inayawan na siya, eh.
“Kumbaga, tsinagaan na lang siya, sabi ng boss namin, give him a chance, e, nakakarating naman lahat ng nangyayari, akala siguro walang nagmo-monitor.
“Maging professional naman sana, di ba? Ang tagal na niya sa showbiz, eh, hindi pa rin nagbabago? Paano pag sinabing tanggalin na siya? Maraming puwedeng ipalit,” mahabang kuwento sa amin.
Oo nga, inisa-isa namin ang mga programang sinalihan ng TV host-singer, lahat nawala siya kasi hindi na siya pinag-report.
Pero in fairness ang ganda ng reason sa amin nu’ng bossing na nakausap namin sa ibang network kung bakit siya tinanggal, “Magre-reformat kasi ‘yung show, e, hindi naman siya bagay.” Very showbiz ang sagot, di ba?
Anyway, simula palang ‘tong pambubuking namin sa TV host-singer na ito at pag may bago kaming tsika, abangan n’yo ulit dito sa BANDERA dahil pangako ng aming mga source, babalitaan nila kami araw-araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.