Malaking blessing kay Geoff ang bagong serye sa Net 25 ngayong may pandemya
INAMIN ni Geoff Eigenmenn na nalungkot din siya sa sinapit ng ABS-CBN matapos itong ipasara ng Kongreso ilang buwan na ang nakararaan.
Bago tuluyang ipatigil ang operasyon ng network, nakagawa pa si Geoff ng ilang proyekto rito. Bago maging Kapuso, sa ABS-CBN muna napanood ang aktor kung saan pinagtambal pa sila ni Heart Evangelista.
Tiniyak naman ni Geoff na bahagi na ng kanyang puso ang Kapamilya Network at kung sakaling magkaroon uli ng offer sa kanya ang istasyon ay tatanggapin niya ito nang bonggang-bongga.
Nakachikahan ng entertainment media ang aktor sa nakaraang presscon ng “Ang Daigdig Ko’y Ikaw”, ang bago niyang teleserye sa Net 25 kung saan makakatambal niya si Ynna Asistio.
Dito nga niya nasabi na perfect timing ang pagdating ng nasabing project sa kanya dahil napakahirap na nga ng sitwasyon ngayon sa showbiz industry dulot ng pandemya.
At dahil pamilyado na rin siya, at may mga anak na kaya tinanggap niya agad ang trabaho mula sa Net 25 na aniya’y isa ring challenge sa kanya bilang aktor.
“I’m a father and I need to provide for my family. Kahit na one time show lang ito, I’m still thankful at masaya ako na nangyari ito at magandang experience at it came at the right time,” sabi ng aktor.
Hindi naman siya nagkaroon ng takot o pag-aalala nang sumabak na sila sa new normal taping, “Hindi ako natakot kasi alam kong sinusunod ng Net 25 ang protocols. Sineryoso rin ng lahat ng tao. At first skeptical ako on taking test.
“Sabi ko hindi naman kailangan iyon, pero you have to eh, pero para na rin ma-prove na wala kang sakit, how healthy you are, so kailangan mo talagang gawin.
“And in my case kailangan kong magtrabaho, I have to follow the rules,” ani Geoff na after ng taping ay sumasailalim muli sa test para matiyak na wala silang nakuhang virus o sakit.
“Pero parang quarantine na rin kasi ‘yung sa taping namin sa Bataan kasi lahat kami roon nag-undergo ng test, eh,” paliwanag pa ni Geoff.
At dahil sanay na si Geoff at sa dami na nang nagawa niyang teleserye, natanong ito kung paano niya inalalayan si Ynna bilang leading lady.
“Ako naman in every star o leading lady ko na alam ko naman na hindi ko magagawa iyon on my own, it’s between the two of us.
“So, kami ni Ynna we got comfortable right away. First few nights pa lang namin, nagkukuwentuhan na agad kami. Alam na namin ang mga scene namin kasi pina-practice namin together.
“Kaya half of the scenes alam na agad namin. Along the way, getting to know each other lang, lumalim lang ang friendship namin na it helps a lot kasi komportable kami onscreen,” paliwanag pa ni Geoff.
Makakasama rin nina Geoff at Ynna sa “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” sina Richard Quan, Sheila Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon,Tanya Gomez, Manolo Silayan, Arielle Roces, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Jiro Custodio, Jellex David at Myrna Villanueva Tinio, with the special participation of Elizabeth Oropesa.
Magsisimula na ito sa Nov. 28, Sabado, 8 p.m. sa Net 25 na makikipagsabayan na rin sa GMA 7, TV5 at ABS-CBN sa pagpo-produce ng teleserye at variety shows.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.