Teacher binatikos matapos tawaging ‘obese’ si Angel Locsin sa ginawang learning module
MUKHANG hindi na kinaya ng isang teacher mula sa Occidental Mindoro ang pambabatikos ng netizens matapos tawaging “obese” si Angel Locsin.
Deactivated o burado na kasi ang Facebook account na nasabing guro na nagtuturo sa Abra de Ilog National High School sa Occidental Mindoro.
Grabe ang natanggap na batikos ng teacher mula sa mga tagasuporta ng Kapamilya actress nang mag-viral ang ginawa niyang learning module para umano sa Schools Division of Occidental Mindoro.
Mababasa sa nasabing module (Physical Education) ang mga sumusunod na pangungusap: “SITUATION. Angel Locsin is an obese person.
“She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in Mang Inasal fast food restaurant most of the time.
“In her house, she always watching television and does not have any physical activities.
“QUESTIONS: (5 pts each)
“1. What do you think will happen to Angel if she continues her lifestyle?
“2. How do lifestyle affects the health of an individual?”
Sa dulong bahagi nito ay makikita ang pangalan ng teacher na may kasama pang pirma niya.
Kasunod nito ay ang mga galit na galit na komento ng mga netizens dahil hindi lang daw binastos ng guro si Angel kundi nagsisilbi rin umano itong masamang ehemplo sa mga kabataan.
Sa halip daw kasi na magturo ng kagandahang-asal at pagrespeto sa kapwa ay siya pa ang nangunguna sa panglalait at pangmamaliit sa kanyang kapwa.
Comment ng sa isa pang nakabasa sa module, “Calling an obese person, obese is not body shaming unless the person finds it insulting and your intention is insulting.
“What’s wrong here is using someone’s name as an example and relating it to obesity and unhealthy eating habits without proper evidence that she (Angel) was diagnosed as obese by medical practitioners…it could’ve been she’s her size because of her medical conditions and many factors.”
Wala pang sagot ang nasabing guro sa isyung ito at ilalathala namin agad sakaling magbigay na siya ng kanyang panig.
Hinihintay na rin ng publiko ang magiging pahayag ng Department of Education (DepEd) hinggil dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.