Lovi, Benjamin parehong naadik sa K-Drama; Joaquin umaming kinikilig kay Cassy
MALAKI ang naitulong ng panonood ng Korean drama para hindi makalimutan nina Lovi Poe at Benjamin Alves ang kanilang mga karakter sa bagong pagsasamahang series na “Owe My Love.”
Dahil natigil ng ilang buwan ang taping para sa pagbibidahang Kapuso serye, nadiskubre nina Lovi at Benjamin na marami silang natututunan bilang artista sa panonood ng K-Drama.
Kuwento ni Lovi, “I started watching K-Drama and I’m addicted to it now. So I think that’s one thing na parang without even knowing na meron kaming natututunan all throughout para madala namin sa show.
“And now, I’m just so excited to bring kung ano ‘yung mga bago kong natutunan at kung ano ‘yung mga baon namin,” sey ng aktres.
“Actually nagme-message kami ni Ben lagi na excited na ako na mag-start kami ng Owe My Love kasi may mga iba na kaming atake sa roles,” dagdag pa ng Kapuso star.
Ayon naman kay Benjamin, ang kanilang pagkahilig ni Lovi sa Korean drama ang isa raw sa dahilan kung bakit tuluy-tuloy ang communication nila sa gitna ng quarantine.
“Si Lovi naman ang nagre-recommend sa akin. Noong March hindi siya nanonood ng K-drama, ngayon ang dami niyang sinasabi sa akin, ‘You have to watch this guy, you have to watch this.’”
Kamakailan ay sumabak na rin sina Lovi at Benjamin sa nakakakilig na virtual script reading para sa kanilang upcoming Kapuso rom-com series.
* * *
Inamin ni Joaquin Domagoso na kahit magkaibigan sila ni Cassy Legaspi ay kinikilig pa rin siya rito, lalo’t ang dalaga ang love interest niya sa upcoming GMA Telebabad series na “First Yaya.”
“I couldn’t look her in the eye sa Zoom. I don’t know, kinikilig ako kahit friends kami,” kuwento ni Joaquin sa interview ng GMA.
Excited na rin ang anak ni Mayor Isko Moreno sa pagsisimula ng lock-in taping para sa serye, “I really can’t wait ’cause like I’ve been waiting for this for like most of my career. Now to see how I can develop my character, where the writers will take it.”
Bukod kay Cassy, makakasama rin ni Joaquin sa “First Yaya” sina Sanya Lopez, Gabby Concepcion, Pancho Magno, at Ms. Pilar Pilapil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.