Mabilis na panunumbalik ng telco service sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, inutos ng NTC | Bandera

Mabilis na panunumbalik ng telco service sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, inutos ng NTC

Karlos Bautista - November 12, 2020 - 03:05 PM

Lumusong sa baha ang mga lumikilas na residente ng Marikina City dahil sa bahang dulong ng Typhoon Ulysses. (AFP) 

Pinamamadali ng National Telecommunications Commission (NTC) sa public telecommunications entities ang pagkumpuni at panunumbalik ng kanilang serbisyo sa mga lugar na lubhang nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Nakapaloob ang direktiba ni NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba sa memorandum na ipinalabas nitong Huwebes, November 12,  sa lahat ng telecommunications company alinsunod sa kautusan mula sa Department of Information and Communications Technology.

“You are hereby directed to fast track the repair and restoration of telecommunication services in the service areas severely affected by the Typhoon Ulysses,” saad ng memo ni Cordoba.

“Please accelerate the mobilization and transport of your respective technical / service personnel and equipment to the affected areas immediately,” dadag pang utos ni Corodoba.

Inatasan din ni Cordoba ang mga telco na mag-deploy ng “Libreng Tawag” at “Libreng Charging” stations sa mga istratehikong lugar na napinsala ng kalamidad.

“You are also reminded to coordinate with the LGUs and observe strict health protocols to avoid transmission of coronavirus disease,” wika pa ni Cordoba.

Umaasa ang pinuno ng NTC na makakapagsumite ng status updates tuwing anim na oras ng ongoing restoration activities ng mga network sa kanilang pasilidad at timeline para sa full restoration ng serbisyo ng mga telco.

Napanatili ng bagyo ang lakas nito habang isinailalim naman ang limang lalawigan sa Luzon sa Tropical Wind Cyclone Signal No. 3 Huwebes ng umaga ayon sa pinakahuling update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending