Marco nabastusan sa alok na P2M kapalit ng 'hubo't hubad' na pictorial | Bandera

Marco nabastusan sa alok na P2M kapalit ng ‘hubo’t hubad’ na pictorial

Ervin Santiago |November 10,2020
facebook
share this

Marco nabastusan sa alok na P2M kapalit ng ‘hubo’t hubad’ na pictorial

Ervin Santiago - November 10, 2020 - 09:21 AM

NABASTUSAN ang hunk actor na si Marco Gumabao sa isang taong nag-alok sa kanya ng P2 million kapalit ng kanyang “serbisyo.”

Ayon sa binata, isa lamang ito sa mga indecent proposal na natanggap niya mula sa mga nakikipagkilala sa kanya sa social media.

Sa kanyang YouTube vlog, sinagot ni Marco ang ilang tanong ng netizens at isa nga riyan ang tungkol sa mga indecent proposal. Sey ni Marco, may nag-offer sa kanya ng P2 milyon kapalit ng pagpo-pose niya nang nakahubad.

“May mga nakuha na ako dating mga indecent proposal, pero siguro yung pinaka nabastusan ako, yung pinakahindi ko talaga nagustuhan, kung paano niya sinabi sa akin.

“Gusto niya akong mag-pose nang nude para sa isang photo shoot,” kuwento ng aktor.

Patuloy pa niya, “Sabi ko, ‘Bakit? Para saan? Brand ba ito? Para saang magazine ba ito?’

“Sinabi niya sa akin, ‘Hindi, personal shoot lang.’ Parang sabi ko, ‘Ah, okay.’ So, medyo gets ko na ang gustong sabihin ng taong iyon.

“’Tapos nang sinabi ko sa kanya na parang hindi ko ginagawa yung ganoon, bigla siyang nag-offer. Sabi niya, ‘I’ll pay you two million pesos.’

“‘Tapos sabi ko, ‘Alam mo, kahit gustuhin ko man tanggapin yung two million pesos mo, hindi ako ganoon kaya, wala.’

“Actually, medyo inaway ko siya kasi medyo bastos siya. At nakilala ko na siya dati sa isang event. Na-off talaga ako sa kanya. Sabi ko, ‘Nope,’” sabi pa ni Marco.

May nagtanong din sa kanya kung may isang part ng body niya na gusto niyang baguhin, ano yun?

“Ako, gusto ko talagang palakihin yung ano ko…yung legs! Oh! Akala n’yo kung ano ang gusto kong palakihin no! Hindi, kasi maliit talaga yung legs ko. Chicken legs talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May mga workouts naman akong ginagawa pampalaki ng legs pero wala talaga, e. Siguro dahil mahilig akong kumain ng chicken, ayan kaya chicken legs na rin ako,” natatawa pang sey ng hunk actor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending