Abu Sayyaf member, patay sa shootout sa Zambonga Sibugay | Bandera

Abu Sayyaf member, patay sa shootout sa Zambonga Sibugay

Bandera at Radyo Inquirer , |November 09,2020
facebook
share this

Abu Sayyaf member, patay sa shootout sa Zambonga Sibugay

Bandera at Radyo Inquirer - , November 09, 2020 - 04:38 PM

Nanlaban kaya’t napatay ng mga pulis ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Tungawan, Zamboanga Sibugay, Linggo ng umaga.

Kinilala ni Region 9 police director Brig. Gen. Jesus Cambaya Jr. ang napatay na si Salip Adzhar Alijam, na gumagamit ng mga alyas na “Aya” at “Alip Adjal Hamsa Grandad.”

Sinabi na kasama ang napatay na terorista sa pagdukot sa anim na mangingisdang Indonesian apat na taon na ang nakakalipas.

Base sa ulat, isisilbi ng mga tauhan ng Regional Intelligence Unit 9 ang warrant sa isang bahay sa Barangay Masao nang paputukan sila ng terorista, na hinihinalang ilegal na nagtatago ng mga pampasabog.

Kasama sa operasyon ang mga tauhan ng 5th Special Action Battalion, PNP – Anti Kidnapping Group at PNP – CIDG.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending