Miyembro ng Abu Sayyaf naaresto sa Saluping Island, Basilan | Bandera

Miyembro ng Abu Sayyaf naaresto sa Saluping Island, Basilan

- November 21, 2020 - 09:08 AM

Arestado ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Saluping Island, Basilan alas 4:45 ng madaling araw nitong Biyernes.

Sa incident report ng Philippine Coast Guard (PCG), ang kinilalang suspek na si Munjiral Kabole ay dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at PCG.

Inihain kay Kabole ang warrant of arrest sa mga kaso nitong kidnapping at serious illegal detention.

Nakuha sa kaniya ang isang granada, Cal .45 pistol na may magazine at pitong mga bala, at isa pang magazine na loaded din ng mga bala.

Si Kabole ay isa sa mga kasapi ng Abu Sayyaf na dumukot sa isang Hja Sadday Jalal sa Barangay Kaum-Air, Sumisip, Basilan noong 2009.

Siya ay tagasunod ni ASG sub-leader Pasil Bayali na sangkot sa serye ng harassment sa Basilan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending