Duda sa pagsuko ng sub-commander ng ASG si Lacson | Bandera

Duda sa pagsuko ng sub-commander ng ASG si Lacson

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - August 16, 2020 - 11:35 AM

Duda si Senador Panfilo Lacson sa tunay na dahilan ng pagsuko ni Abu Sayyaf Leader Anduljihad Indang Susukan sa pulisya sa Davao City.

Ani Lacson, may posibilidad na ito’y may halong pulitika.

Ayon kay Lacson, kung totoo ang kaniyang hinala posibleng maging dahilan ito ng paghina sa kampanya ng pamahalan kontra terrorismo lalo na sa pagpapatupad ng anti-terrorism act of 2020.

Sinabi ni Lacson, talo ang lahat kung maghahalo ang pulitika at terorismo tulad sa kaso ni Susukan.

Iginiit ng senador, una na rin aniyang naaresto si Susukan bago pa man ang sinasabi ni Misuari na nakikipag-ugnayan siya sa pamahalaan para sa pagsuko nito.

Una nang napaulat na sumuko si Susukan kay MNLF Founding Chairman Nur Misuari noon pang Abril kung saan naibiyahe pa ito patungong Davao City mula Jolo nang hindi natutunugan ng mga otoridad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending