Bikini photos ni Barbie Imperial mabenta: Sobrang insecure ako noon sa stretchmarks ko | Bandera

Bikini photos ni Barbie Imperial mabenta: Sobrang insecure ako noon sa stretchmarks ko

Ervin Santiago |November 08,2020
facebook
share this

Bikini photos ni Barbie Imperial mabenta: Sobrang insecure ako noon sa stretchmarks ko

Ervin Santiago - November 08, 2020 - 11:07 AM

LUMELEBEL daw ang Kapamilya youngstar na si Barbie Imperial sa sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi.

Ito’y dahil nga napapadalas na rin ang pagpo-post ni Barbie ng kanyang bikini photos sa social media na talaga namang bentang-benta sa kanyang male fans.

In fairness naman kasi sa dalaga, hindi rin siya magpapatalbog sa kaseksihan at kakinisan ni Ivana. Pero nilinaw naman agad ni Barbie na hindi siya nagpo-post ng sexy photos para makipag-compete sa ibang tao.

Ayon sa aktres, iba ang dahilan kung bakit niya ibinabandera ang kanyang bikini photos sa socmed at nagpaliwanag nga siya tungkol dito sa nakaraang online presscon ng bago niyang iWant digital BL o Boy’s Live series na “Oh, Mando!”

Ani Barbie, “Hindi siya para sa ibang tao. Hindi siya para sa mga past na naging boyfriend or naging guy ko. Nu’ng 2018 baka oo, pero hello it’s 2020. Ha-hahaha!

“Pino-post ko naman yun kasi gusto ko siya talagang i-post and before kasi, sobrang na-insecure ako sa stretchmarks ko. Ma-stretchmarks kasi akong tao.

“Sobrang halata niya kasi ang puti-puti ko. Ngayon, habang tumatagal, and siguro habang tumatanda ka at marami kang natututunan, marami kang nakakasamang mga tao, parang you learn to love your own body talaga.

“Pino-post ko talaga siya para sa sarili ko na parang nakikita ko rin na wow ito yung improvement and masaya ako na nakikita ko na mas nagiging okay yung body ko. Kasi mas gusto ko pa siyang pagandahin lalo,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, aminado naman si Barbie na isa sa mga biggest challenge na hinarap niya nitong mga nakaraang panahon sa buhay niya ay ang pagmu-move on paghihiwalay nila ng kanyang dyowa.

“Siguro nu’ng 2018, to be honest yun talaga yung time na siyempre bata pa ako, kapag na-in love sobra-sobra.

“When I love, mahal ko talaga yung tao. Ako pag nagmahal ako, mahal na mahal ko talaga yung tao. So, yung boyfriend ko nu’ng time na yun, parang sa kanya ko talaga na-experience yung Oh Mando! moment na one moment sobrang in love and then next hindi,” natatawang chika ni Barbie.

Dagdag pa niya, “Du’n naghalo-halo and then nu’ng time na yun nag-fail yung love life pero du’n nag-srart yung career ko. Du’n nag-start yung ‘Araw Gabi’ (series). But yung family ko rin medyo magulo.

“I think ganu’n naman talaga ang buhay. Paiba-iba talaga but you just have to learn how to accept it and i-live mo lang yung buhay mo kasi ganu’n naman talaga yung buhay, eh.

“Someday magiging stories na lang tayong lahat, magiging memories na lang tayo so mabuhay lang tayo ng masaya, yan na yun,” paliwanag ng dalaga.

Makakasama ni Barbie sa iWant TFC BL series na “Oh Mando!” ang magaling na young actor na si Kokoy de Santos na bumida na rin sa ilang LGBTQ+ projects.

“Gusto ko yung personality ni Kokoy. Ang sexy for me kay Kokoy yung pagiging gentleman niya na tao. Siya yung tao kasi na kahit artista ka, sa prod ka, lead ka, extra ka, or talent ka, iti-treat ka niya nang pantay. Walang boss, walang pinakamababa, yun yung gusto ko kay Kokoy,” ani Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood na ang “Oh Mando!” ng Dreamscape Entertainment at Found Films sa iWant TFC. Kasama rin dito si Alex Diaz, directed by Eduardo Roy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending