Chariz, Ryza proud padede moms; live reporting ng ABS-CBN kay 'Rolly' napilay, pero... | Bandera

Chariz, Ryza proud padede moms; live reporting ng ABS-CBN kay ‘Rolly’ napilay, pero…

Ervin Santiago - November 06, 2020 - 03:38 PM

BILANG first-time nanay, talagang kinakarir ng Kapamilya actress na si Ryza Cenon ang pagiging “padede mom.”
Kaya naman nalulungkot siya kapag hindi siya nakakapag-produce ng sapat na breastmilk para sa bagong silang niyang anak.

Sa kanyang Instagram page, ibinahahi ni Ryza ang kanyang frustration kapag hindi niya napapadede ang panganay na anak nila ni Miguel Cruz na si Baby Night.

“As a first-time mom minsan nakaka frustrate ‘yung wala ka pang maibigay na gatas, kahit gusto mo magpa-breast feeding kay Baby Night,” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.

Kaya naman super thankful siya sa kaibigang si Chariz Solomon na nagse-share sa kanya ng gatas ng ina. Isa ring padede mom ang Kapuso comedienne kaya nakapagbibigay siya ng extra breast milk para sa mga kapwa nanay.

“Buti nalang andyan si @chariz_solomon para matulungan ako sa breast milk. Super thank you missy!!!” ang mensahe ni Ryza kay Chariz na kapapanganak lang din last month sa third child niyang so Andreas.

Pinaalalahanan din ni Chariz si Ryza na huwag masyadong mag-panic  bilang isa nga itong first time mommy. Sey sa kanya ng Kapuso star, “‘Wag ka masyado ma-stress.”
Isinilang ni Ryza ang anak noong nakaraang buwan at inamin nga niya sa kanyang Instagram post na, “Napakahirap pero lahat worth it.”

* * *

Kahit ginawa na ng ABS-CBN News ang lahat ng makakaya nito upang maghatid ng balita tungkol sa Bagyong Rolly noong weekend na pinuri ng madla, napilay pala talaga ang live reporting ng network dahil sa pagbasura ng kanilang prangkisa.

Patunay dito ang hamon sa mamamahayag na si Jeff Canoy na kasalukuyang nasa Catanduanes para ibalita ang sitwasyon sa lugar.

Sa Facebook status update ni Jeff noong isang araw, sinabi niya na magtu-tweet siya ng updates kapag makahanap na siya ng maayos na cell signal.

“Off to #Catanduanes. Will be off the grid for now, but will tweet updates once I find a stable cell signal,” ani Jeff sa kanyang FB post.

Isa ang Catanduanes sa matinding tinamaan ng bagyong Rolly kaya hirap si Jeff na makakuha ng magandang signal sa lugar.

Matatandaang kapag may paparating na bagyo, satellite feed ang gamit ng ABS-CBN News. Pero dahil wala na silang prangkisa, hindi na sila pwedeng mag-live report gamit ang satellite feed.

Umaasa na lang ang kanilang mga field reporter sa mobile data para makapaghatid pa rin ng komprehensibong balita tulad ni Jeff.

Malaking hamon ito sa mga mamamahayag ng ABS-CBN na tungkulin ay mabilis na makapaghatid ng pinakamainit na balita sa taumbayan para ligtas sila sa sakuna.

Ayon sa ilang netizens, kung meron lang sanang prangkisa ang Kapamilya network, mas marami pa silang nagawang live reports para mas maraming viewers ang may alam sa kalagayan ng ating mga kababayan at mas marami ang naging handa agad sa bagyo.

Nakita rin ng marami ang kahalagahan ng ABS-CBN Regional stations. Bukod sa nagbabalita sila gamit ang dialect o lengguwahe ng kanilang lugar para mas maintindihan ng publiko ang balita, sila rin ang unang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng kanilang lugar.

Maging si dating Bise Presidente Jejomar Binay nadama ang epekto ng pagkawala ng ABS-CBN Regional stations noong kasagsagan ng bagyong Rolly.

“Sadly the closure of ABS-CBN, including its radio and regional network, has left a noticeable void that has yet to be filled by the other networks,” ani Binay sa isang pahayag.

Ayon din sa dating Pangalawang Pangulo, mahalaga ang papel ng media tuwing may kalamidad dahil sapat na impormasyon ang nakakaligtas ng buhay ng publiko, lalo na sa mga residente sa liblib na lugar.

Sang-ayon din sa punto ni Binay ang dating Deputy Presidential Spokesperson na si Atty. Abigail Valte. Aniya sa kanyang column, kita ang masamang epekto ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN dahil limitado lang ang impormasyong nakalap ng mga lugar na pinadapa ng Bagyong Rolly.

Nanghinayang din ang madlang pipol sa pagkawala ng ABS-CBN na lubos na kailangan tuwing may kalamidad, kaya trending ito sa Twitter noong weekend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maging sina dating COMELEC commissioner Goyo Larrazabal at dating consultant ng Inter-Agency Task Force (IATF) for COVID-19 na si Dr. Tony Leachon, napa-tweet din ng kanilang saloobin na marami sana ang naabot ng balita dahil nga sa lawak ng coverage ng ABS-CBN at regional stations nito.

Ngunit kahit gipit ngayon ang ABS-CBN, nagsusumikap pa rin itong maglingkod at magbalita.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending