Para ba kay G Tongi ang hugot ni Aiko na: Para tawagin mong kalbo o panget ang isang tao, hindi tama? | Bandera

Para ba kay G Tongi ang hugot ni Aiko na: Para tawagin mong kalbo o panget ang isang tao, hindi tama?

Ervin Santiago - November 06, 2020 - 11:42 AM

WALANG binanggit na pangalan si Aiko Melendez sa matapang niyang Facebook post tungkol sa pagbibigay ng opinyon sa political issues pero ang hula ng marami patama niya ito kay Giselle Tongi.

Hot topic kasi sa social media ang banat ni G Tongi laban kay Arnell Ignacio kaugnay ng naging komento ng comedian sa mga artistang hindi muna nag-iisip bago mag-post ng kanilang mga reklamo sa gobyerno.

“Noon ang artista kadalasan ang tingin, e, mahina ang ulo na stereoyped kung baga. Nakakasama nga ng loob noon pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba. Eh me yabang pa nga sa katangahan e,” ang hugot ni Arnelli.

Pinaniniwalaan ng mga netizens na sagot niya ito sa tweet ni Angelica Panganiban noong kasagsagan ng Bagyong Rolly, “Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino.”

Ito naman ang bwelta ni G, “Arnel — dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahan sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila. Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay ‘yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka (emojis ng kumindat at peace sign).’’

Sa kanyang FB account, nag-post naman si Aiko ng kanyang saloobin tungkol sa isang taong personal ang atake sa mga kinokontra niyang personalidad. Hindi niya binanggit ang pangalan ni G pero feeling ng netizens para ito sa dating aktres.

“Lahat naman tayo me kanya kanyang opinion sa pulitika. Me kanya kanya paniniwala pero hindi kasi ako sang ayon na mamemersonal ka sa pagtira ng kapwa mo.

“Pwede kasi naman ang issue is about mishandling of some things, Pero para tawagin mo kalbo o panget o ano man kapintasan ng isang tao hindi tama…”

“Kung me maganda at maayos ka na rebuttal sabihin mo out loud pero wag ka manghamak ng tao…Nakakalungkot naman. Dito na papunta ang argumento ng isang bagay. Personalan.

“Lahat tayo ay me kalayaan sa pagpuna ng isang pagpapatakbo sa bayan pero pag nauwi sa personalan ang atake ano tawag dun?

“Think before you click nga dba. Gather facts muna… There is no harm in asking,” ani Aiko gamit ang mga hashtags na “#lowblow” at “#justsaying.”

Isang netizen ang nag-comment sa post ng “Prima Donnas” star na sinagot niya ng, “Walang perpekto na pamamalakad pero tawaging kalbo or ano man ang creation ni Lord is something else.

Low blow. Can’t she get a better agument than that?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nagpasalamat naman si Arnell kay Aiko sa pamamagitan ng kanyang FB page, “Maria Kendra Melendez (lovestruck emoji). Iba ka talaga maraming salamat.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending