Jessy umaming mataray: Sa mga nasungitan ko noon, I'm very, very sorry | Bandera

Jessy umaming mataray: Sa mga nasungitan ko noon, I’m very, very sorry

Ervin Santiago - November 05, 2020 - 02:35 PM

NAG-SORRY si Jessy Mendiola sa lahat ng taong natarayan at nasungitan niya noong nagsisimula pa lang siya sa mundo ng showbiz.

Aminado ang girlfriend ni Luis Manzano na talagang may kamalditahan siya noong bata-bata pa siya. In-explain ng dalaga ang mga rason kung bakit ganu’n ang ugali niya noon.

Sa kanyang bagong vlog sa YouTube, binasa ni Jessy ang ilang comments ng kanyang subscribers at ang mga assumptions ng ibang tao tungkol sa kanyang personalidad.

“Masungit daw ako? Minsan. Kapag dalaw ng buwan or kapag gutom or hungry ako. Noong medyo bagets-bagets pa ako, masungit talaga ako kasi hindi rin talaga ako masaya sa buhay ko.

“I think ‘yun ‘yung kumalat sa tabloid or kumalat sa production na masama ang ugali ko. Aminin ko talaga, masungit ako noon,” pag-amin ng aktres.

Esplika pa ni Jessy, “Kapag hindi ka happy sa life mo, kapag hindi ka happy sa personal life mo or sa nangyayari sa iyo, parang nadadala mo ‘yun sa trabaho or kung saan ka man mapunta.

“Kasi hindi masaya ang heart mo, hindi masaya ang isip mo, kaya ka nagiging masungit sa ibang tao.

“Pero may ibang tao, in my case, hindi ko alam na masungit pala ako noon, bugnutin ako, lagi akong galit, lagi akong masungit,” aniya pa.

Patuloy pa niyang pahayag, “Sa mga nasungitan ko noon. I’m very, very sorry.”

Samantala, sa nagsabi namang netizen na “humble” naman siya sa totoong buhay, “I hope I come off humble sa ibang tao. Tulad nang sinabi ko kanina, masungit talaga ako noon, mataray talaga ako noon.

“Sana sa aura ko ngayon, sana how I treat my co-workers and other people outside of my circle sana nga I come off as a humble person.

“I guess my experiences in life and ‘yung mga lessons na natutunan ko ay naturuan na rin ako na maging humble.

“Kasi ganoon talaga ang life. May mga bagay talaga na pagdadaanan mo para lang din bumalik ka kung saan ka nanggaling.

“Minsan medyo napapalayo ang ating tingin kasi may personal tayong pinagdadaanan at nalalayo na tayo sa dapat talagang maging focus ng energy natin,” pagpapakatotoo pa ni Jessy.

Inamin din niya na napakalaking impluwensiya sa buhay niya si Luis, “Yung nagturo sa akin na maging kinder towards other people ay si Luis. Mas lalo na ‘yung pagiging generous.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Luis, good example siya na hindi lang sarili niya ang pinagtatrabahuan niya, para rin sa ibang tao. He rarely, rarely shows ‘yung pagtulong niya,” pagmamalaki pa ng dalaga sa kanyang TV host boyfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending