Mylene nagbaon ng sangkatutak na pagkain sa taping; 'Prima Donnas' star may 'sari-sari store' sa kwarto | Bandera

Mylene nagbaon ng sangkatutak na pagkain sa taping; ‘Prima Donnas’ star may ‘sari-sari store’ sa kwarto

Ervin Santiago - November 05, 2020 - 10:38 AM

MAKALIPAS ang mahigit kalahating taon, nagbalik-trabaho na ang cast ng GMA Afternoon Prime series na “Bilangin ang Bituin sa Langit” simula noong nakaraang buwan.

Bukod sa mahigpit na pagsunod sa health at safety protocols sa set, masayang ibinahagi ng members ng cast ang kanilang mga karanasan sa pagte-taping sa ilalim ng new normal.

Base sa mga litratong ipinadala sa amin ng production, makikitang nakasuot ng face mask at face shield ang mga artista at crew habang nagre-rehearse sa kanilang mga eksena, kabilang na nga ang Superstar na si Nora Aunor na isa nang senior citizen.

“Ang dami-dami kong baong pagkain. Because may mga bagay na hindi ko kinakain tulad ng baboy tsaka beef. Nagbaon na lang ako panigurado tsaka mga de lata,” ani Mylene Dizon.

Na-challenge naman si Yasser Marta na muling umarte matapos ang ilang buwang pahinga, “For me, ‘yung challenges ‘yun lang talaga sa scene na kinukuhanan kasi napakabigat nu’ng mga characters. Siyempre ‘yung cast din napakagaling.”

Excited naman si Ina Feleo na muling makita at makatrabaho ang kanyang co-stars, “Mayroong excitement talaga bukod sa kaba dahil siyempre kailangan ng extra ingat ngayon. Ako personally, nae-excite ako talagang makita sila ulit.”

Abangan ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” sa GMA 7.

* * *

Sa latest YouTube vlog ng Kapuso teen actress na si Elijah Alejo, ibinahagi niya ang naging experience sa nakaraang lock-in taping para sa fresh episodes ng top-rating GMA Afternoon Prime series na “Prima Donnas.”

Sa kanyang “Room Tour” video, ipinakita niya ang sangkatutak na pagkain na baon nila ng kanyang mommy kaya nagmistulang sari-sari store raw ang kanilang kwarto.

Bukod sa food supply, prepared na prepared din ang aktres sa baon niyang alcohol, face mask, face shield, personal humidifier, at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, simula sa Lunes (Nov. 9) ay mapapanood na ang mga bagong episodes ng “Prima Donnas” pagkatapos ng “Ika-6 Na Utos” sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending