Xian Lim feeling ‘nabudol’ sa nabiling grandfather’s clock
grandfather’s clock na naka-display ngayon sa bahay niya.
Nagpa-house tour na rin ang aktor na mapapanood sa kanyang YouTube channel at dito nga niya naikuwento ang tungkol sa pag-aaring orasan.
“Sabi nila, they want a grandfather’s clock, so sige bili tayo at ito (sabay pakita) ‘yung nabili namin sa isang parang antique store, gumagana pero hindi legit na grandfather’s clock, normal lang.
“Parang electronic, may bluetooth pa nga ito, (natawa), promise hindi lang nakasaksak, so parang nabudol kami rito, pero it looks nice, okay lang naman,” kuwento ng aktor.
Sa unang pagkakataon ay ipinakita nga ni Xian ang nabiling bahay 10 taon na ang nakararaan at pina-renovate niya ito.
“Kung mapapansin ninyo sa loob mga lumang kahoy, hindi namin binakbak,’’ say ng aktor.
Naunang ikinuwento ng aktor na mahilig siya sa halaman pero ayaw niyang patawag na plantito dahil nakatatanda raw.
“This is my living area, it’s actually an open space, right when we moved in, ganito na. Walang partition, walang anything. Ang major lang nabago sa bahay na ‘to was the high ceiling kasi dati isang palapag lang talaga but when we moved in, we’re like, yeah taasan natin ang ceiling para mas spacious tingnan ‘yung lugar,” paglalarawan ni Xian.
Inilibot din ni Xian ang manonood sa kanyang artworks at maging ang mga gawa ng lola niyang mahilig mag-cross stich ay naka-display din.
“Si lola mayroon ding artworks, marami kayong makikita dito sa bahay,” sambit ng proud apo.
Ipinagmamalaki rin ni Xian ang patungan ng flat TV na gawa sa onyx marble, “This actually took four weeks to make, I was super excited, I found them online and this is made up of onyx. Sa sobrang bigat nito na TV stand, wala nang lipatan. Hindi ko akalain na ganito kabigat ito, kayang-kaya nila (binuhat ng 8 tao) ‘to,’’ kuwento ng aktor.
Dagdag pa niya, “Mahilig ako sa rock formation o natural stone at una kong na-acquire paglipat ko was this amethyst crystal (sabay buhat), it’s really heavy sobra.’’
Samantala, mixture of old and modern industrial ang makikitang gamit sa loob ng bahay ng aktor-producer-director-musikero at painter na ginawa ng designer niya.
“Huge help by the interior designers when they came by the house was they helped me fix this place up kasi sabi ko nga, I wanted an area to be able to chill. Chill place which can be found in the attic of his house,” aniya pa.
Ipinakita rin ng aktor ang mga koleksyong figurines, clowns ng lola niya na nasa display cabinet na puro salamin.
“Actually, gift ko ’to kay Lola because sobrang dami niyang collection. And these are super old. Hindi pa yata ako pinapanganak, nasa kanya na yata ito. They’re just laying around the house, nasa mga boxes lang siya nakatago sa mga storage boxes.
“So sabi ko parang it will be nice na after her operation, pagkabalik niya makikita niya she was really surprised. And she was so happy that’s why I leave the lights on every single day,” sabi pa ni Xian.
Nabanggit din ng aktor na espesyal ang dining table nila, “Growing up here, growing up in the States, never kong na-experience na kumaing magkakasama. I think I was raised that way my mom would have her job, I would have my job and my lola would have her thing going out, so we never ate together as a family.
“So, this part of the room is very personal para sa akin (sabay pakita ng mahabang lamesa), this is the Breva dining table and nu’ng una kong nakita sa showroom nila (store), I was just amazed sa itsura kasi sa style, it’s a little bit different hindi ordinary ‘yung length it’s a bit long. Table was made of solid walnut and the chairs (made of) brass and walnut.’’
Anyway, para sa kabuuang house tour ni Xian, mapapanood ito sa kanyang YT channel na umabot na sa kulang 400k views as of this writing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.