Angel balak magdemanda dahil sa red-tagging: Ma-clear lang pangalan namin kasi nakakatakot po | Bandera

Angel balak magdemanda dahil sa red-tagging: Ma-clear lang pangalan namin kasi nakakatakot po

Reggee Bonoan - November 01, 2020 - 03:18 PM

“I NEVER associated myself with the NPA (National Peoples Army). He (Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr.) associated me with the NPA.

“At hindi niya po kami idinemanda. Kung sure na sure sila pero hindi, eh, gusto nila sirain kami sa social media. So, wala po kaming choice.  Kino-consider din po ng legal team ko ang pagdedemanda po.”

Ito ang bahagi ng emosyonal na pahayag ni Angel Locsin sa panayam ni Henry Omaga-Diaz sa DZMM Teleradyo.

Natanong din ng radio host si Angel kung gaano kalaki ang epekto sa kanya nang isama ang pangalan niya ni AFP Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa red-tagging.

“Hindi mo alam kung lalabas ka para tumulong kasi baka ‘yung puntahan ko baka ma-red tag din, baka madamay,’’ pahayag pa ng aktres.

Kasalukuyang rumaragasa ang super typhoon na si Rolly sa Kabikulan at dadaan ng Metro Manila kaya inaalala ng aktres na maraming kababayan natin ang kailangan ng tulong pero dahil sa red-tagging ay napapaisip siya kung tutulong pa siya dahil baka may madamay pang ibang tao.

Ang mensahe ni Angel sa mga taong gumagawa ng alegasyon laban sa kanya, “Maraming-maraming salamat po sa mga hindi naniniwala. Sa mga naging marahas na nagbibintang thank you so much po, wala po akong masamang hangarin, wala po akong hidden agenda nandito po ako wala po akong tinatago, sinagot ko po lahat ng tanong (mga paratang ni Parlade).

“Malinaw naman po ang mga ebidensiya sa mga bagay-bagay, tulungan n’yo na lang po ako na ipa-clear ang pangalan namin, kami nina ate (Ella Colmenares). Ma-clear lang po ‘yung pangalan namin dito kasi nakakatakot po, mabigat din naman po talaga at siyempre, wala naman po kaming ganu’n kalaking resources kagaya nila para protektahan ang sarili namin.

“But I’m very thankful to everyone na nagpakita ng suporta, again hindi ko po ini-encourage na maging bayolente tayo and doon lang po tayo sa totoo and mismong kay General Parlade na po nanggaling na wala namang masama ro’n,” aniya pa.

At bago nagtapos ang nasabing panayam ay pinayuhan ng aktres ang lahat na mag-ingat sa super typhoon at manatiling makinig sa mga balita sa radyo para sa updates, ihanda ang mga gamit na kakailanganin kapag nawalan ng kuryente, ang mga bubong dapat hindi lilipad, food supply, cash in case of emergency.

“Alam n’yo na po kung saan kayo lilikas in case kailangan ninyo pong lumikas, mag-ingat po kayo,’’ pahayag ng aktres.

Samantala, umabot naman sa 118k likes ang blind folded photo ni Angel na ipinost niya with red lipstick sa kanyang Instagram account.

Unang-unang nagkomento ang aktres na si Janice de Belen, ‘’@therealangellocsin your bravery is amazing.’’

Ayon naman kay @jhoanna_stotomas08, “@therealangellocsin we stand to pure real Darna.’’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatlong emoji heart naman ang post ng fiancé ni Angel na si Neil Arce.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending