Pagkatapos ng 'pagbubuking' ni Kim, ang tanong: Julia at Gerald, bakit nga ba ayaw pang umamin? | Bandera

Pagkatapos ng ‘pagbubuking’ ni Kim, ang tanong: Julia at Gerald, bakit nga ba ayaw pang umamin?

Reggee Bonoan |October 30,2020
facebook
share this

Pagkatapos ng ‘pagbubuking’ ni Kim, ang tanong: Julia at Gerald, bakit nga ba ayaw pang umamin?

Reggee Bonoan - October 30, 2020 - 03:37 PM

“Out here minding my own business (dalawang heart emoji),” ito ang caption ni Julia Barretto sa larawang pinost niya sa kanyang Instagram account na naglalakad ng nakatalikod na tila sumasayaw hawak ang damit kaharap ang maraming puno sa paligid.

“Fresh and unbothered, “ito ang karamihang nabasa naming komento mula sa 9.7 milyong followers niya sa IG.

Mukhang may kinalaman ang post na ito ni Julia ng mag-trending si Kim Chiu na aksidenteng nabanggit ang pangalan niya habang ini-scroll ang mga larawan ni Gerald Anderson sa IG na kailangan niyang i-like bilang bahagi sa ‘Funishment’ o parusa sa aktres sa segment nilang “Mas Testing” sa “It’s Showtime.”

“Pagbukas mo dito nandito si Julia Barretto,” birong sabi ni Kim.

Biglang may sound effect na nagbasag at sabay sabi ni Vhong Navarro ng, “Live tayo, live!”

“Ay, bawal ba? Ha-hahaha! Sorry!” Nag- peace sign kaagad si Kim sabay sabing, “Ay, si Bea Alonzo pala!”

Noong Oktubre 28-episode ng “It’s Showtime” nangyari ang kataklesahan ni Kim pero habang sinusulat namin ang balitang ito ay patuloy pa ring trending ang aktres kaya siguro nag-post na si Julia na nali-link kay Gerald.

Samantala, halos iisa ang nabasa naming komento na bakit hindi na lang daw aminin nina Julia at Gerald kung anong mayroon sila dahil pareho naman silang single.

‘’Bakit kaya ayaw pa rin nila umamin? Face wise bagay naman sila at parehong single.”

‘’I’m a fan of Julia. At sa mga co-fan ko, honest question: Boto ba talaga kayo kay budoy? Sa true lang. Julia deserves better.’’

Sinagot naman ang post ni Julia na, “Minding my own business.”

“Julia weh di nga? Nagre-repost ka nga ng resort ni Gerald minding your own business ba yun?’’

“Tama. Siya rin nagpapaingay ng issue. Akala mo naman napaka-private niya para sabihin yan. Cge, Julia paniwalaan mo ang sarili mo. Kaya sobrang nega kasi you say one thing pero your actions don’t match. Ayaw mo pakialaman kayo e, di wag mag post na magu-ugnay sa inyong dalawa.”

Maging ang kilalang talent manager at host na si Lolit Solis ay nagbigay din ng kanyang kuru-kuro.

“Sure ako Salve na iyon ‘pagbubuking’ ni Kim Chiu sa alam niyang relasyon nila Gerald Anderson at Julia Barretto alam naman ng marami.

“Ewan ko kung ano ang dahilan para itago pa nila sa iba kung nagmamahalan sila samantalang wala naman silang sabit pareho.

“Pinaka mahirap sa lahat iyon tagong relasyon lalo pa at mahal n’yo ang isa’t isa. So what kung naging controversial nuon una. Tutal naman tapos na ang lahat. Siguro naman kung may nasaktan naka-move on na rin, wala ng dapat itago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Iyon naman feelings nila ang importante, kung sila talaga ang nagmamahalan, why not? Mas lalo pang tanggap ng publiko na aminin nila, at open sila sa relasyon. Iyon pagmamahal dapat ipinagmamalaki, hindi ikinahihiya. Love conquers all. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.”

Nanatiling bukas ang Bandera sa pahayag nina Gerald at Julia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending