Hamon kay Miss Taguig Sandra Lemonon: Pasabugin na ang dapat pasabugin | Bandera

Hamon kay Miss Taguig Sandra Lemonon: Pasabugin na ang dapat pasabugin

Ervin Santiago - October 29, 2020 - 09:18 AM

HINAMON ng mga tagasuporta ni  Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo si Miss Taguig Sandra Lemonon na pasabugin na ang sinasabi nitong “bomba” patungkol sa sinalihang beauty pageant.

Bakit kailangan daw patagalin pa nito ang paghihintay ng buong universe sa pagsisiwalat sa mga nalalaman niyang “naganap” sa grand coronation ng kontrobersyal ngayong pageant.

Dahil dito, kaliwa’t kanan ang ibinabatong masasakit na salita sa kanya ng mga bashers at sinabihan pang manahimik na lang at tanggapin na ang kanyang pagkatalo dahil nakaputong na ang korona kay Rabiya Mateo.

Ngunit mukhang hindi magpapatalo at magpapadikta si Sandra sa mga haters dahil sa Instagram story in-upload pa ng dalaga ang pambabatikos sa kanya ng netizens.

Ang inilagay niyang caption sa nasabing post, “This is also something I’d like to put a stop to.”

Dagdag pa niyang pahayag, “People hating/bashing going below the belt &thinking that saying any of these malicious comments is okay nor they have repercussions.”

Tila pang-aasar naman ang sumunod na IG story ng beauty queen kung saan ipinost niya ang kanyang glamorosang litrato. May caption itong, “A clear conscience laughs at a false accusation.”

Nag-post din siya ng isang quote na nagsasabing, “It’s all about timing. If it’s too soon, no one understands. If it’s too late, everyone’s forgotten.”

Ibig sabihin, naghihintay lang si Sandra Lemonon ng perfect timing para sa gagawin niyang pasabog sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2020. Hindi nga lang sigurado kung ang mga organizers ang kakalabanin niya o ang itinanghal na reyna na si Rabiya.

Sa mga hindi pa aware, ikatlong attempt na ni Sandra ang pagsali sa Miss Universe Philippines para sa inaasam na titulo at korona ngunit hindi pa rin siya sinuwerte.

Kung matatandaan, taong 2016 nang sumali siya sa Miss World Philippines kung saan itinanghal siyang 4th Princess. Nag-join din siya sa Binibining Pilipinas 2018 pero nganga pa rin.

Samantala, nanindigan naman si Rabiya na wala siyang ginawang masama at hindi siya nandaya sa nasabing pageant.

“To be honest po, maybe I wasn’t a frontrunner so people didn’t expect me to win and now that I have the crown.

“They’re questioning my capability as a person, as a candidate, but I know that I did everything and anything that I could during that night and ibinigay ko talaga.

“And yung mga nagsasabi na the question was given to me that’s why I answered that way, it wasn’t given po sa akin. I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Of course it was painful because there are things na you can settle by talking with each other. At the end of the day, this is a competition and being the bigger person in the picture, I need to understand where they are coming from,” paliwanag ni Rabiya na siyang magiging representative ng bansa sa 2020 Miss Universe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending