Hugot ni Chynna bilang ina: Giving birth is no joke, 50-50 'yan agad! | Bandera

Hugot ni Chynna bilang ina: Giving birth is no joke, 50-50 ‘yan agad!

Ervin Santiago - October 29, 2020 - 09:15 AM

BINIGYAN ng “tribute” ng Kapuso TV host-actress na si Chynna Ortaleza ang kanyang mga magulang sa pamamagitan ng Instagram.

Naniniwala ang asawa ni Kean Cipriano na kung anuman at nasaan man siya ngayon, yan ay dahil sa pagmamahal at maayos na pagpapalaki sa kanya ng kanyang parents.

Ang sabi nga ng matatanda, kung anong puno, siyang bunga — kung ano ang itinuro ng mga magulang sa kanilang mga anak mula noong pagkabata ay dadalhin ng mga ito hanggang sa kanilang pagtanda.

Yan ang nais ibandera ni Chynna sa buong universe patungkol sa kanyang ama’t ina na sina Gryk Ortaleza at Leah Fernando Roque.

Nag-post ang Kapuso star sa IG ng litrato nila ng mga magulang na kuha sa isang ospital bago niya ipanganak ang panganay nila ni Kean na si Stellar.

“I have the best parents a kid could ever hope for.

“This was a photo Kean took a few hours before I delivered Stellar. The look on my Papa’s face says it all,” simulang pahayag ng TV host sa kanyang caption.

“Sabi nila iba ang pakiramdam ‘pag ang babae mong anak ang magkaka-baby. Uncertain ‘di ba? Giving birth is no joke, 50-50 ‘yan agad.

“Pero hinatid pa nila kami sa doctor. Ganun sila kalupit sumuporta. [Mga] 4 a.m. na ata ‘yan pero andun sila,” dugtong pa ni Chynna.

Ipinangako rin niya sa magulang na palalakihin din niya ang mga anak tulad ng ginawang pagpapalaki at pag-aalaga ng mga ito sa kanya.

“Promise, Papa and Mama… we will be here for Salem and Stellar, and lay this foundation like a rock anchored to God’s plans and goodness. We have the best examples,” lahad pa ng misis ni Kean.

* * *

Nalalapit na rin ba ang pagbabalik-telebisyon ng Kapuso series na “Magkaagaw”?

Balita namin, nitong nagdaang Lunes ay nagsimula nang mag-script reading ang cast ng drama series na pinangungunahan nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Jeric Gonzales at Klea Pineda.

Matatandaang bago matigil ang production ng serye noong March, pasabog ang huling eksena kung saan nalaman na nina Clarisse (Klea) at Laura (Sunshine) na si Veron (Sheryl) ang kabit ni Jio (Jeric).

Sabi nga ng netizens at viewers, nabitin sila dahil kapana-panabik ang mga susunod na mangyayari sa kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman good news para sa loyal viewers ng serye ang balitang naghahanda na rin ang cast at production sa pagbabalik-taping para sa fresh episodes ng kanilang paboritong programa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending