Clinical trial ng WHO sa COVID-19 vaccine, simula na sa Disyembre | Bandera

Clinical trial ng WHO sa COVID-19 vaccine, simula na sa Disyembre

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - October 26, 2020 - 05:09 PM

Sisimulan na sa Disyembre sa taong 2020 ang Phase 3 ng clinical trials ng bakuna kontra COVID-19 ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergerie, iaanunsyo ngayong linggo ang mga lugar kung saan ito isasagawa.

Sinabi nito na magsisimula na sa ibang lugar ang solidarity trial at sa Disyembre naman target na masimulan ito sa bansa.

Sinabi nito na patungkol naman sa Russian vaccine na Gamaleya, nakikipag-usap na aniya ang manufacturer sa Philippine-based contract research organization para sa posibilidad na paggawa rito sa Pilipinas ng COVID-19 vaccine.

Ang nasabi aniyang contract research organization ang magiging kinatawan ng Gamaleya sa bansa.

Para naman sa Chinese vaccine na Sinovac, sinabi ng health official na tapos na itong dumaan sa Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology (DOST).

Hinihintay na lamang aniya nito ang approval ng Ethics Board na kailangan bago ito mag-apply ng clearance sa Food and Drug Administration (FDA) upang makapagsagawa ng clinical trial.

Sa ilalim ng 2021 General Appropriations Bill, naglaan ang pamahalaan ng P2.5 bilyon para ipambili ng bakuna laban sa COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending