'Red lipstick' ni Angel trending; #NoToRedTagging sigaw ng local celebs | Bandera

‘Red lipstick’ ni Angel trending; #NoToRedTagging sigaw ng local celebs

Ervin Santiago - October 26, 2020 - 10:16 AM

TRENDING ang #YesToRedLipstick dahil sa pagsuporta at pagtatanggol ng mga celebrities kina Angel Locsin, Liza Soberano at Catriona Gray kontra-red tagging.

Matapang na nagpahayag ng pakikisimpatya kay Angel ang mga netizens kabilang na nga ang mga taga-showbiz sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanilang mga litrato kung saan makikita ang kanilang mga labi na pulang-pula.

Ito kasi ang ginawa ng tinaguriang real life Darna at ng kanyang pamilya matapos akusahang mga tagasuporta umano ng rebeldeng komunista.

Mariing dinenay ng pamilya ni Angel na miyembro sila ng New People’s Army (NPA) o ng kahit anong terrorist group. Ang sinusuportahan daw nila ay ang laban kontra pang-aabuso sa mga kababaihan.

Sa kanyang Instagram page, nag-post nga ang aktres ng close-up shot suot ang pulang damit with red lipstick gamit ang hashtags na #NoToRedTagging at #YesToRedLipstick.

Ilan sa mga celebrities na nag-post ng kanilang mga litrato suot ang kanilang nagmumurang red lipstick ay sina Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Pia Magalona at Bituin Escalante.

Tweet ni Agot, “Dahil sabi ng anak kong si Lyka. #YesToRedLipstick and #notoredtagging. In support of our empowered Filipinas.

#DarnaDiKaNagiisa.”

Mensahe naman ng nanay nina Maxene at Elmo Magalona na si Pia, “#YesToRedLipstick #NoToRedTagging. In solidarity with empowered women and in support of Filipinos who are trying to be silenced by the powers that be.”

Kamakailan, nag-post ng mahabang mensahe si Angel laban sa mga grupong nangre-red tag sa kanya at sa iba pang women rights advocate na tulad niya.

“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group.

“We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala.

“Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako ‘red.’ Magkaiba lang tayo ng paniniwala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger.

“By being vocal about my opinions and advocacies, I have always been attacked. Those I could ignore but this is a different level altogether. And so I have to speak up once again because this baseless and reckless red-tagging jeopardizes not only my safety, but also the safety of my sister and our family,” bahagi ng pahayag ni Angel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending