Rocco nag-iipon na para sa kasal nila ni Melissa; relasyon mas pinatibay ng 'halaman' | Bandera

Rocco nag-iipon na para sa kasal nila ni Melissa; relasyon mas pinatibay ng ‘halaman’

Ervin Santiago - October 26, 2020 - 09:55 AM

NGAYONG nakalipat na si Rocco Nacino sa kanyang dream house, ang tanong ng lahat ay kung kailan naman sila magpapakasal ni Melissa Gohing.

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng Kapuso actor at ng professional volleyball player kaya ang laging tanong sa kanila —kailan nila ile-level up ang kanilang relasyon?

Sa isang panayam, sinabi ng “Descendants of the Sun” actor na napag-uusapan naman daw nila ng kanyang girlfriend ang pagpapakasal dahil yun naman talaga ang inaasam nila para sa kanilang future.

Pero sabi ni Rocco, hindi pa ito mangyayari soon dahil may kanya-kanya pa silang mga priorities sa buhay at suportado naman daw nila ang isa’t isa.

Sabi pa ni Rocco, ngayong naipatayo na niya ang kanyang dream house, ang susunod na niyang pag-iipunan ay ang pagpapakasal.

“Mag-iipon ulit. Tapos we’ll see how it goes. Pero ang maganda ngayon may bago kaming bonding, pag-aalaga ng plants. Malaki ‘yung maitutulong n’yan sa relationship namin,” pahayag ni Rocco sa panayam ng GMA 7.

Sabi pa ng binata, mas lalo pa raw naging strong ang samahan nila ni Melissa dahil sa pagiging plantito at plantita nila na nagsimula nga noong community quarantine dulot ng COVID-19.

“Parehas kami nag-enjoy lalo na si Melissa. ‘Yan ang certified plantita talaga,” chika pa ni Rocco.

Habang busy uli ang Kapuso hunk sa pagbabalik-trabaho sa showbiz at sa pag-aalaga ng halaman, abala din ngayon si Melissa sa traning para sa nalalapit na pagbubukas ng liga ng volleyball sa Pilipinas.

“Everyday we still train so it’s like normal pa rin for us and ‘yung management namin, ‘yung coaches namin, they make sure that we’re okay,” pahayag ni Rocco.

Samantala, ngayong gabi na ang pagbabalik sa GMA Telebabad ng Pinoy version ng hit Korean series na “Descendants of the Sun” (two week-recap) nina Rocco, Jasmine Curtis, Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes.

“I’m very proud to be part of this project that has made a difference and has become a game changer in this field. Nice to know na you’re part of something na tumatak,” pahayag ni Rocco.

Bukod dito, ipalalabas na rin sa Netflix ang “DOTS PH” simula sa Nov. 13.

Sabi nga ni Dingdong, isa na naman itong achievement para sa kanilang serye, “Kasi mas magkakaroon na ng wider reach ’yung audience, mas nakakarating sa malalayong lugar ’yung trabaho natin because of the platform, mas nagka-access ’yung maraming viewers. Hopefully more projects for Filipino talents. We do it one step at a time.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Jasmine, “Maybe now they’ll be convinced because we’ve been picked up by a trusted online platform and they can see the value.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending