Direk Cathy hindi kinaya ang TF ng BTS: Umabot sa kalahating bilyon!

Reggee Bonoan |October 23,2020
share this

Direk Cathy hindi kinaya ang TF ng BTS: Umabot sa kalahating bilyon!

Reggee Bonoan | October 23,2020 - 04:35 PM

KAYA pala naitayo ang Nickl Entertainment YouTube channel ni Direk Cathy Garcia Molina ay para makadiskubre ng local talents na puwede nilang ipag-produce ng shows.
Nagsimula ang adbokasiyang ito ni direk Cathy kasama ang staff niya nang malaman nila ang talent fee ng BTS na gusto sana nilang ipag-produce ng show dito sa Pilipinas.

“Hindi namin kaya ang presyo ng BTS, umabot sa kalahating bilyon.  Lord, ang mahal! So, instead na sila bakit hindi tayo mag-discover ng sariling atin, e, magagaling din naman ang mga Pinoy,” katwiran ni direk Cathy.

Ang Nickl Entertainment JM ay initial ng mga pangalan nina direk Cathy kasama ang staff niya sa paggawa ng pelikula na hanggang ngayon ay wala pa raw siyang ibinibigay na suweldo kasi nga wala rin silang trabaho ngayon.

Kaya umaasa siya na sana lumaki ang subscribers nila sa YT para kumita naman sila at mapasuweldo ang mga staff.

Samantala, may fundraising project si direk Cathy na “Pakpak ng Pangarap” para sa 100 estudyanteng nangangailangan ng laptop para sa online classes nila.

Kaya kumakatok ang direktora sa mga kababayan natin dito sa Pilipinas at sa ibang bansa na sana manood sila ng show ng “Pakpak ng Pangarap” sa Okt. 31 sa KTX sa halagang P99 para sa bawa’t tiket simula 9 a.m. hanggang 3 p.m..

Ang guest stars ay sina Gary Valenciano, Darren Espanto, Kakai Bautista, Thor, Frenchie Dy at Inigo Pascual.

“P99 pesos ang entry para makapanood ng show and bukod doon, they will have a chance to buy the exclusive items and ang pag-buy is through donation and auction.

“Merong straight donation na sa bawat ibibigay ay nagkakaroon ng slot to a raffle at makakakuha ng items na ito ‘yung mga mamahalin na bigay nina Bea (Alonzo) at Angel (Locsin),” sabi pa ng direktor.

Ang mga donasyon ng dalawang aktres ay Jimmy Choo at Gucci bags.

May bigay din si Alden Richards na Yeezy shows na may pirma niya, mga damit na isinuot sa pelikula ni Joross Gamboa, personal favorite shirts ni Rayver Cruz, Darna figurine na may pirma ni Liza Soberano mula kay Jeff Tam at marami pa raw celebrities na nangakong magbibigay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending