Pamilyadong aktor buking ang pambababae, itsinismis ng nilalanding non-showbiz girl | Bandera

Pamilyadong aktor buking ang pambababae, itsinismis ng nilalanding non-showbiz girl

Reggee Bonoan - October 23, 2020 - 12:40 PM


AKALA namin ay one-woman man na ngayon ang kilalang aktor dahil nga medyo may edad na siya ngayon at nagsawa na sa pambababae.

Ang alam kasi ng lahat ay graduate na siya sa pagiging babaero na naging tatak na niya mula pa noong kanyang kabataan.

Maagang nag-asawa ang kilalang aktor kaya hindi niya masyadong na-enjoy ang kanyang kabataan. Sila ang nagkatuluyan ng isang aktres na sumikat din noong kapanahunan nila.

Pero hindi rin nagtagal ang relasyon nila dahil sobrang seloso at ayaw nitong nakikipagkita sa mga kaibigan niya ang asawa kaya nang maghiwalay ay nagpunta ng ibang bansa ang aktres at matagal siyang nanatili roon hanggang sa nagkaroon na ng ibang pamilya.

Ang kilalang aktor naman ay may bago na ring asawa at nabibiyaan sila ng mga anak at sa loob ng maraming taon ay walang nabalitaang nag-away o nambabae si lalaki.

Ipinangako raw kasi ng kilalang aktor sa sarili na hindi na mauulit sa ikalawang asawa ang nangyari sa unang asawa at in fairness totoo naman.

Pero totoo nga ang kasabihan na kapag tahimik ay mapanganib dahil may tagong landi pa rin pala ang kilalang aktor at hindi ito mahahalata o malalaman kasi naman non-showbiz na ngayon ang type niya.

Aksidenteng nalaman ng aming source na ang babaeng type ngayon ni kilalang aktor ay hindi raw taga-showbiz marahil ay para makaiwas nga sa tsismis at intriga.

Pero ang siste, hindi naman daw siya type ng girl at sa katunayan ay naiirita na ito sa pangungulit sa kanya kaya sa sobrang asar ay naikuwento niya ito sa circle of friends niya na walang konek sa aktor.

Hayun, bukelya si kilalang aktor na patago pa rin pala ang pambababae pero sa pagkakataong ito ay bokya siya. Ibig sabihin lang sumasablay na rin ang karisma niya sa mga kababaihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending