'Paranoid na kasi si CLAUDINE, mahilig siya sa mga guni-guni!' | Bandera

‘Paranoid na kasi si CLAUDINE, mahilig siya sa mga guni-guni!’

Cristy Fermin - August 25, 2013 - 03:00 AM

Nasa giyera mode na naman si Claudine Barretto. Hinahamon niya ngayon ang pamilya ni Raymart Santiago na ibuyangyang ang kanyang mga lihim. Subukin lang daw gawin ‘yun ng pamilya ng kanyang mister at makikita ng mga ito ang ayaw nilang makita.

Hindi na nga ang kapatid lang niyang si Gretchen ang kinakalaban ngayon ni Claudine, galit siya sa mundo, may mga baho rin daw naman ang pamilya Santiago pero hindi lang sumisingaw.

Pinagkumpara pa ni Claudine ang kanyang pamilya sa pamilya ni Raymart, ang pagkakaiba lang daw nila ay lantad ang mga nangyayari sa kanilang pamilya, samantalang ang sa pamilya Santiago naman ay tagong-tago.

Pero ang nakapagtataka lang ay kung saan hinuhugot ni Claudine ang kanyang galit, sa pagkakatanda namin ay wala namang sinasabi ang mga Santiago laban sa kanya, lalong walang ginagawang pananakot ang angkan ni Raymart kontra kay Claudine.

“Paranoid na kasi si Claudine, ang dami-daming naglalaro sa utak niya na hindi naman totoo! Siya ang mahilig sa guni-guni, hindi ang mga Santiago, dahil wala namang ginagawang masama sa kanya ‘yung mga tao,” kuwento ng isang nakausap namin.

Nanggigigil ang aktres sa nakatatandang kapatid ni Raymart na si Randy, sinisiraan daw kasi siya nito sa mga press people, galit ang maligalig na aktres sa kanyang bayaw.

“Nangyari ‘yun sa presscon ng idinirek niyang pelikula. Natural lang na siya ang tinatanong palagi ng mga reporters, dahil nga sa matinding away ngayon nina Claudine at Raymart.

“Natural, natatanong si Randy, marespeto niya namang sinasagot ang mga tanong sa kanya. Pero hindi siya sinisiraan ni Randy, nagsasabi lang ng totoo ‘yung tao!

Alangan namang siya ang kampihan ni Randy, e, kapatid niya si Raymart?” napapailing pang komento ng aming kausap.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending