Kathryn payag itambal sa ibang aktres si Daniel: Ayokong maging selfish | Bandera

Kathryn payag itambal sa ibang aktres si Daniel: Ayokong maging selfish

Ervin Santiago |October 22,2020
facebook
share this

Kathryn payag itambal sa ibang aktres si Daniel: Ayokong maging selfish

Ervin Santiago - October 22, 2020 - 09:31 AM

“AYOKONG maging selfish!” Yan ang mariing sagot ng Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo sakaling magkaroon ng ibang leading lady si Daniel Padilla.

Hindi raw magagalit o magrereklamo ang dalaga kung maisipan ng ABS-CBN at Star Cinema na bigyan ng project si DJ with another partner.

Sa ginanap na virtual mediacon para sa digital movie series na “The House Arrest Of Us” na pagbibidahan nina Kathryn at Daniel, natanong ang dalaga kung papayag ba siyang itambal sa ibang aktres ang kanyang boyfriend.

Tugon ni Kath, “Honestly, ayoko maging selfish na ipagkait given yung opportunity na yun. Kung dumating yung time na may offer sa kanya.”

Bigla namang humirit si DJ na ayaw niya ng ganu’n pero sabi sa kanya ng girlfriend, “Don’t close your door. Hindi natin alam eh. Kasi ang dami kong gusto makatrabaho. Ang daming plans and projects para sa amin.”

Dagdag pa ng Kapamilya star, “And kung gusto niya, I will support him and I will respect his decision. So kung paano yung suporta na binigay niya sa akin sa last project ko, ganun din ang ibibigay ko sa kanya.”

Ayon pa sa dalaga, irerespeto niya kung anuman ang magiging desisyon ni DJ tungkol dito dahil ganu’n din daw ang ginawa ng binata nang pagtambalin sila ng Star Cinema ni Alden Richards para sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na gumawa pa ng record sa history ng Philippine movies dahil sa laki ng kinita nito.

Sabi pa ni Kathryn, “At the end of the day, decision niya yun. Nandito lang kami as number one fan. Ang importante is sa real life kung paano kami and kung may chance na may makatrabaho siyang iba, I will respect that decision.”

Samantala, nang matanong naman tungkol sa naging experience nila sa lock-in taping ng “The House Arrest Of Us”, super nag-enjoy daw talaga sila kaya dedma na sa hirap at sakripisyo na hinarap nila dahil sa new normal ng shooting.

“Siguro kung gaano kami pinapasaya ng food. Ha-hahaha! Kasi kilala na namin ang isa’t isa  for eight years.

“Pareho kasi kami na kapag magtatrabaho, trabaho. Pero pag lunch time, kapag dinner time, importante sa amin ang pagkain.

“Kasi du’n natin kinukuha yung energy natin di ba? So I think hindi lang sa amin yun kundi sa buong cast. Food makes us happy so yun.

“I think over the years familiar na kami ni DJ sa isa’t isa so kung may mga new discoveries kami, that would be for the other cast and yung mga nakatrabaho namin. Basta kami, kilalang kilala na niya ako and kilalang kilala ko na siya,” kuwento ng dalaga.

Makakasama rin ng KathNiel sa nasabing digital movie sina Herbert Bautista, Ruffa Gutierrez, Alora Sasam, Dennis Padilla at Gardo Versoza sa direksyon ni Richard Arellano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ito sa pamamagitan ng KTX simula sa Oct. 24 at sa iWant-TFC naman sa Oct. 25.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending