Pagwawakas ng teleserye ni JUDAY nag-trending sa Facebook, Twitter | Bandera

Pagwawakas ng teleserye ni JUDAY nag-trending sa Facebook, Twitter

Ervin Santiago - August 25, 2013 - 03:00 AM


Grabe, ha! Buong Pilipinas yata ang tumutok sa finale episode ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala last Friday.

E, kasi nga, puro ang mga nakakalokang eksena sa nagtapos na serye ni Judy Ann Santos ang laman ng mga social networking sites nitong weekend.

Kahit ang mga kapitbahay namin sa Genesis Royale Subd. sa Cainta, Rizal ay walang pinagkukuwentuhan kahapon ng umaga kundi ang mga pasabog ng Huwag Ka Lang Mawawala.

In fairness, nakaganda pa yata ang pagtatapos nang wala sa oras ng palabas dahil mas tumindi ang pagkaadik ng manonood kina Eros (Sam Milby), Anessa (Juday), Alexis (KC Concepcion) at Romolus (Tirso Cruz III).

Feeling ko naman ay nagustuhan ng viewers ang ending ng HKLM dahil wala kaming nabasang nega sa mga comment at feedbacks mula sa mga nakapanood nito.

Puro “congratulations” at puro papuri ang natanggap ng buong production from their supporters. Pati sa Facebook at Twitter ay bumaha ng magagandang komento para sa finale ng nasabing programa.

May isa pa nga kaming nabasa na nagsabing, “Nakakabitin! Pero siguro nga mas mabuting hanggang du’n na lang para may bitin factor. May feeling na parang nandoon ka talaga sa mga eksena.

Parang gusto mong tulungan si Juday sa mga nangyayari! Ang ganda, in fairness!” May humirit naman ng, “Pwede pang magkaroon ng book 2, di ba? Kasi nakulong lang si Tirso at si Sam.

Pwede pa silang makawala uli at hantingin uli si Juday! Ha-hahaha!” Anyway, sa lahat ng mga naka-miss sa huling linggo ng Huwag Ka Lang Mawawala, huwag na kayong magreklamo diyan, mapapanood n’yo pa rin ang kabuuan ng finale week ngayong umaga bago mag-ASAP 18. Bongga, di ba?

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending