Enchong Dee may matinding galit nga ba kay Celine Pialago ng MMDA? | Bandera

Enchong Dee may matinding galit nga ba kay Celine Pialago ng MMDA?

Reggee Bonoan - October 20, 2020 - 01:08 PM

“EVERYTHING we put out in the digital world we need to be accountable for.”

Ito ang sagot ni Enchong Dee nang i-private message namin siya habang isinasagawa ang virtual mediacon ng iWant documentary na “Trip to Quiapo” with Ricky Lee kagabi.

Ang tanong namin kay Enchong ay kung naniniwala ba siya sa pahayag ni MMDA Spokesperson Asec Celine Pialago na hindi raw siya ang nag-post ng “drama serye” comment tungkol sa political prisoner na si Reina Mae Nasino. Iginiit pa na mayroon siyang pitong admin na nagma-manage ng kanyang Facebook page.

Trending ang tweet ni Enchong laban kay Celine Pialago, “This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili sa kalagayan ng isang ina at mangyari ito sa ’yo? Bilang isang tao, okay lang talaga sa ’yo?”

Diretso naming tinanong si Enchong kung galit ba siya kay Asec? “Siyempre hindi,” matipid na sagot ng aktor.

Gagampanan ni Enchong ang karakter na Julio Manunulat sa “Trip To Quiapo” kaya tanong namin kung type ba niyang ilibot si Asec Celine sa Quiapo.

“Hindi kaya, siya ang dapat maglibot sa akin dahil MMDA spokesperson siya?”

E, kung imbitahan siya ni Asec Celine na ilibot siya sa Quiapo, papayag siya? “I won’t be fake and I won’t lie, pero I like hanging out people that I can learned a lot from, doon na lang po siguro,” napangiting sagot ni Enchong.

So, alam na!

Anyway, sa tanong kung bakit masyadong vocal ang aktor sa pagbatikos sa gobyerno, sino ang biggest influence niya.

“It’s more dati bata pa ako mahilig na akong manood ng news, parang unfair kasi kumuha ka ng edukasyon mo, itinuturo ng magulang mo ang tama at mali, pero bakit sa gobyerno natin (natawa), bakit ganu’n?

“Ako naman wala naman akong intensyon na you’re a bad person or good person, hindi ganun, ang point ko lang, kung ano ‘yung ginagawa ninyo sa amin, e, mangyayari sa ating lahat. Damay din kayo. Ang point ko, kung hindi n’yo ako tutulungan, anong mangyayari sa atin?” paliwanag ni Enchong.

Sa nasabing mediacon, natanong si Enchong kung payag ba siyang gumanap sa role na kabaligtaran ng kanyang personalidad o taliwas sa kanyang paniniwala.

“I think I don’t mind kasi klaro sa akin kung ano yung mga dapat na responsibilidad ng mga tao. And by the end of the day it’s a character at masarap paglaruan.

“Kaya dito sa project na ito (Trip To Quiapo) I’m very, very happy, I’m very, very honored to be part of kasi hinayaan nila ako maging exploratory when it comes to the character and the story. Ang sarap.

“Sabi ko kay sir Ricky, direk Treb, ‘Hindi ito yung first and last ah,’ kasi na-enjoy ko talaga itong grupo na ito and I wish we have better options and we have better situations so we can finish the project. Pero as it is, andito tayo sa kalagayan na ‘to so we worked the best that we can to cater to our audience,” aniya pa.

Samantala, base sa pahayag ng may akda ng librong “Trip to Quiapo” ay matututo ang viewers na gumawa ng sarili nilang pelikula o kwento mula sa award-winning writer na si Ricky Lee kapag napanood ito sa iWant TFC original docu series bukas, sa iWant TFC app at website.

Sa limang eisodes nito, ibabahagi ni Ricky ang kaalaman niya sa pagsusulat ng kwento at pagbuo ng mga karakter, paano humugot ng inspirasyon, at maging ang mga karanasan at aral niya mula sa buhay at higit sa 40 dekada sa industriya. Idinirek ang serye ni Treb Monteras, na siya ring nagdirek ng Cinemalaya 2017 Best Film na “Respeto.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang “Trip to Quiapo” sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending