Andrea ayaw makipagin kay Derek: Gusto ko talaga, ikasal muna bago kami magsama | Bandera

Andrea ayaw makipagin kay Derek: Gusto ko talaga, ikasal muna bago kami magsama

Ervin Santiago - October 20, 2020 - 09:37 AM

NIRERESPETO ni Andrea Torres ang mga magdyowang nagli-live in pero para sa kanya, kasal muna bago sila magsama sa isang bahay ni Derek Ramsay.

Muling ipinagdiinan ng Kapuso sexy actress na hindi pa siya nakatira sa mansyon ng hunk actor tulad ng mga napapabalitang magka-live-in na sila.

Nagsimula ang chika ng live-in matapos lumabas ang pa-house tour video nila ni Derek sa social media. Ang impression kasi ng viewers, nagsasama na sila kaya feeling wife na ang aktres.

Chika ni Andrea sa panayam ng GMA, “Actually nagulat kami kasi nakapaka-spotaneous nung vlog na ‘yun. Hindi kami nag-prepare talaga. Parang naisipan lang namin that time mismo na gumawa ng house tour.

“So, kaya kung makikita niyo may mga part po doon na hindi pa tapos, may sampayan pa, ganyan. So hindi namin naisip na ganun ‘yung magiging impression.

“Pero sabi ko ng bilang girlfriend, siyempre natutuwa ako na sinasabi ni Derek na it’s our house, na sinama niya ako doon sa proseso ng pag-build ng house, pagpili nung mga laman ng house.

“Pero ‘yun, hindi po kami magkasama sa iisang bahay. And I know it works for other people and I respect that pero personally kasi gusto ko talaga, ikasal muna kami bago kami magsama. So ‘yun talaga, ‘yun ang gusto ko talaga mangyari with us,” lahad ng dalaga.

Pag-amin pa ni Andrea sa usaping kasalan, “We definitely talk about it pero ‘yun nga, ‘yung details or ano, pagdating na lang natin doon sa moment na ‘yun. But definitely, isa ‘yun sa mga goal namin bilang couple.”

Sa tanong kung okay lang ba kay Andrea na makasama sa bahay ni Derek ang mga magulang nito sakaling tumira na rin siya roon?

“Actually kino-convince talaga namin sila na ngayon palang lumipat na doon sa bahay ni Derek pero ayaw pa kasi nila umalis doon sa place nila ngayon kasi marami rin talagang memories doon kasi doon din lumaki sila Derek.

“Pero, ako gustong-gusto kong kasama at kausap ‘yung parents niya and I’m very grateful na parang second parents na ‘yung dating nila sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung gaano ako ka-open sa magulang ko, ganu’n din ako ka-open sa mga magulang ni Derek,” sey pa ni Andrea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending