Diego Loyzaga balik-pelikula na, makakatambal ang anak ni Jeric Raval | Bandera

Diego Loyzaga balik-pelikula na, makakatambal ang anak ni Jeric Raval

Reggee Bonoan - October 18, 2020 - 04:23 PM

BALIK-PELIKULA na si Diego Loyzaga at makakatambal niya si AJ Raval, ang panganay na anak ni Jeric Raval na contract artist na rin ng Viva Artist Agency.

Kasalukuyang nasa province of Rizal si Direk Yam Laranas para sa first shooting day ng pelikula nina Diego at AJ base sa nakita naming post nitong, “On the set #filmmaking.”

Naka-chat namin ang direktor sa pamamagitan ng Facebook messenger. Aniya, launching movie ito ng anak ni Jeric dahil ang titulo ay, “Loving Christine’ for VIVA Films and line-produced by ALIUD Entertainment. It’s a
sexy thriller,” say ni direk Yam.

Ang kuwento ng “Loving Christine” ayon kay direk Yam na siya rin ang nagsulat, “A story about young love and how both lovers go to extreme lengths in order to protect their relationship and each other, dark love
story.”

Hirit namin kung mala-Romeo and Juliet ang kuwento, “Darker!” sagot niya. Kaya ang next question namin, kung darker ito, parang crime of passion.

“Love only,” tipid na sagot sa amin ni Direk. Sa panahon ng total lockdown nabuo ni direk Yam ang script ng “Loving Christine” at bago sila nagsimula ng shooting ngayong araw ay naka-10 revisions na raw siya.

Anyway, aktibo na ulit ang Viva Films sa paggawa ng mga pelikula kaya natanong namin ang direktor nina Diego kung saan ito ipalalabas gayung sarado pa lahat ang mga sinehan at posibleng mid-2021 pa totally lalabas
ang mga tao para manood ng sine.

Sa VivaMax nga raw ito ipalalabas, “That’s the target. But, VIVA is still a content provider and distributor. So, we’ll see.”

Tinanong namin kung exclusive si direk Yam sa Viva dahil hindi siya gumagawa sa ibang movie outfit, “Not really exclusive. But, VIVA is family to me,” diretso nitong sabi.

Dagdag pa niya, “P.S. Boss Vic and Boss Vincent very excited with this new movie. No matter how small the budget, we make do. So long as we can tell a good story.”

Hmmm, gaano ba kababa ang budget ni direk Yam, “Ha-hahaha! Let’s just say the smallest ever,” ang sagot niya sa amin.

Anyway, ang ganda ng larawang kuha na ipinost ni direk Yam na puro puno at kulay luntian at walang mga bahay sa paligid. Ang ganda rin ng weather, makulimlim.

“Pabago-bago. Rain + sunshine + cloudy,” sambit ng direktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Puro outdoor ba ang eksena? “All outdoor – one location lang,” sagot pa niya sa huli naming tanong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending